Mga Kawikaan20

1Ang alak ay nagbubunga ng panunuya,inuming matapang na dulot ay kaguluhan,kaya ang taong naglalasing ay salatsa karunungan.
2Ang poot ng hari ay nakakasindaktulad ng atungal ng leon.Manganganib ang buhayng gumagalit sa kanya.
3Ang pag-iwas sa guloay tanda ng karangalan;ang hangal lang ang may gustong kaguluhan.
4Ang taong tamad mag-ararosa panahon ng pagtatanimay walang makukuhapagdating ng anihan.
5Ang isipan ng tao ay tulad ng tubigsa balong malalim,kaya itong igibin ng taong marunong.
6Marami ang nagsasabing sila ay tapat,ngunit ang totooʼy mahirap makahanapng taong tunay na mapagkakatiwalaan?
7Ang taong matuwiday walang kapintasan.Mapalad ang mga anak niyakung siya ang kanilang tinutularan.
8Kapag ang hari ay humahatol,tinitiyak muna niya kung sinoang gumawa ng masama.
9Sino ang makapagsasabing,“Napanatili kong malinis ang aking puso.Busilak ito at walang kasalanan.”
10Ang madadayang timbangan at sukatan,sa paningin ng Panginoonay kasuklam-suklam.
11Ang mga ginagawa ng isang kabataanay nagpapakita ng kanyangtunay na pag-uugali,kung siya ba ay matuwid o hindi.
12Ang taingang nakakarinigat matang nakakakitaay ang Panginoonang siyang gumawa.
13Kung tulog ka nang tulogmaghihirap ka,ngunit kung magsisikap ka,ang iyong pagkain ay sasagana.
14Pinipintasan ng mamimili ang kanyangbinibili upang makatawad siya.Ngunit kung itoʼy nabili naay ipinagyayabang pa.
15Marami ang ginto at mamahaling bato,ngunit iilan lamang ang nakapagsasalitanang may karunungan.
16Kung may taong nangakona babayaran niya sa iyoang utang ng taong hindi niya kilala,tiyakin mong makakakuha kasa kanya ng garantiya,upang makatiyak kang babayaran ka niya.
17Ang pagkaing nakuha sa pandarayasa una ay matamis ang lasa,ngunit sa huli ay lasang buhangin na.
18Humingi ka ng payosa iyong pagpaplanoo bago makipaglaban sa digmaan.
19Ang taong masalita nagbubunyag ng sikreto,kaya iwasan mo ang ganyang uri ng tao.
20Mamamatay ang sinumang sumumpasa kanyang magulang,para siyang ilaw na namataysa gitna ng kadiliman.
21Ang mana na kinuha ng maagasa bandang huliʼy hindi magiging pagpapala.
22Huwag kang maghiganti.Magtiwala ka sa Panginoon,at tutulungan ka niya.
23Nasusuklam ang Panginoonsa mga nandadaya sa timbangan.Hindi ito mabuting gawain.
24Ang Panginoon ang nagkaloobnitong ating buhay,kaya hindi natin alamang ating magiging kapalaran.
25Bago mangako sa Diyosay isiping mabuti,baka magsisi ka sa bandang huli.
26Tinitiyak ng isang matalinong harina malaman kung sinoang gumagawa ng kasamaanat pagkatapos, silaʼy parurusahan.
27Ang espiritu ng tao ay parang ilaw ng Panginoonna sumisiyasat sa kaloob-looban ng pagkatao.
28Ang haring mabuti at tapatay hindi mapapahamak,at magtatagal siya sa kanyang luklukan.
29Karangalan ng kabataanang kanilang kalakasan,at karangalan naman ng matatandaang kanilang katandaan. 
30Kung minsan ang parusaay nagdudulot ng mabutiupang magbago tayo.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3