Mga Kawikaan19

1Mas mabuti pa ang mahirapna namumuhay nang matuwidkaysa sa hangal na sinungaling.
2Maging masigasig ka manngunit walang nalalaman,wala rin itong kabuluhan.Kapag ikaw naman ay pabigla-biglamadali kang magkakasala.
3Kamangmangan ng taoang nagpapahamak sa kanyang sarili,at pagkatapos sa Panginoonibinabaling ang sisi.
4Ang mayaman ay maraming kaibigan,ngunit ang mahirap namaʼyiniiwanan ng kaibigan.
5Ang saksing sinungaling ay parurusahan,at ang nagsisinungalingay hindi makakatakas sa kaparusahan.
6Marami ang lumalapit sa pinunong mabait,at sa mapagbigay ang lahatay nakikipagkaibigan.
7Ang mahihirap ay iniiwasanng mga kamag-anak,at lalo na ng mga kaibigan.Kapag sila ay kailangan,hindi sila matagpuan.
8Ang taong nagsisikap na magkaroonng karununganay nagmamahal sa sarili,at ang nagpapahalagasa pang-unawa ay uunlad.
9Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan,at ang sinumang nagsisinungalingay mapapahamak.
10Hindi bagay sa taong mangmangang mamuhay sa karangyaan,at mas lalong hindi bagay sa isang alipinang mamuno sa mga pinuno.
11Ang karunungan ng isang taoay nagbubunga ng kahinahunan;ang pagbabalewala sa kasalanan ng ibaay karangalan niya.
12Ang galit ng hari ay parang atungal ng leon,ngunit ang kanyang kabutihanay tulad ng hamog na bumabasasa mga halaman.
13Ang anak na hangalay kapahamakansa kanyang ama.Ang bungangerang asawaay tulad ng tulo na walang tigil.
14Bahay at kayamanan sa magulangay namamana,ngunit ang Panginoon langang nagbibigay ng maalam na asawa.
15Kung ikaw ay tamadat tulog lang nang tulog,magugutom ka.
16Mabubuhay nang matagalang taong sumusunod sa kautusan,ngunit ang suwail ay hahantongsa kamatayan.
17Ang tumutulong sa mahirapay parang nagpapautang sa Panginoon,dahil ang Panginoon ang magbabayadsa kabutihang ginawa niya.
18Ituwid mo ang iyong anakhabang may panahon pa.Kung hindi mo siya itutuwid,ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.
19Hayaan mong maparusahanang taong magagalitin,dahil kapag tinulungan mosiya nang minsan,paulit-ulit mo lang siyang tutulungan.
20Dinggin mo at sundin ang mga payoat pagtutuwid sa iyong pag-uugali,at sa bandang huliay magiging marunong ka.
21Marami tayong mga pinaplano,ngunit ang kalooban pa rinng Panginoon ang masusunod.
22Ang gusto natin sa isang taoay matapat. Mas mabuti pang maging mahirapkaysa maging sinungaling.
23Ang pagkatakot sa Panginoonay magdudulot ng mahabang buhay,kasapatan, at kaligtasansa kapahamakan.
24May mga taong sobrang batuganna kahit ang kumain ay kinatatamaran.
25Parusahan mo ang mapanuyaupang matutong mag-ingatang wala sa katinuan.Pagsabihan mo ang may unawaat lalo siyang magiging marunong.
26Sinumang nagmamalupitsa kanyang amao di kayaʼy nagpapalayassa kanyang inaay isang anak na sumisirasa kanyang pangalanat nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.
27Anak, kung hindi ka makikinigsa mga pangaralupang maituwid ang iyong pag-uugali,tinatanggihan mo ang mga turona nagbibigay ng karunungan.
28Ang saksing sinungalingay humahamak sa katarungan,at ang bibig ng masamaay lumalamon ng kasamaan.
29Sa mga mapanuyaay may hatol na nakalaan,at hagupit naman ang nakahandapara sa mga hangal.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3