Mga Kawikaan18

1Ang taong makasariliay humihiwalay sa karamihanat sumasalungat sa lahatng tamang kaisipan.
2Ang taong hangalay hindi naghahangad na matuto;ang gusto lang niyaay masabi ang nasa isipan.
3Ang paggawa ng kasamaanat nakakahiyang mga bagayay makapagbibigay ng kahihiyan.
4Ang salita ng taong marunongay nakapagbibigay ng karunungan sa iba;ito ay katulad ng tubig na umaagosmula sa malalim na batis.
5Hindi mabuting kampihanang taong nagkasalaat hindi mabuting ipagkaitang katarungansa taong walang kasalanan.
6Ang sinasabi ng taong hangalang pinagsisimulan ng alitanat magdadala sa kanyasa kaguluhan.
7Ang mga sinasabi ng hangalang magpapahamak sa kanyaat ang kanyang mga labiay bitag sa kanyang buhay.
8Ang tsismisay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin;at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
9Ang taong tamad magtrabaho,pareho ng mapanirang tao.
10Ang Panginoon ay katuladng toreng matibay,kanlungan ng mga matuwidsa oras ng panganib.
11Ang akala ng taong mayamanay maipagtatanggol siyang kanyang kayamanantulad ng mga pader na nakapalibotsa buong bayan.
12Ang pagmamataas ng taoang magpapahamak sa kanya,ngunit ang pagpapakumbabaang magpaparangal sa kanya.
13Hangal at kahiya-hiyaang taong sumasagot sa usapannang hindi muna nakikinig.
14Sa taong may karamdaman,tatag ng loob ang magbibigay kalakasan.Kung mawawalan siya ng pag-asa,wala nang makakatulong pa sa kanya.
15Ang taong marunong at nakauunawaay lalo pang naghahangadng karunungan.
16Madaling makikipagkitasa iyo ang dakilang taokapag may dala kang regalopara sa kanya.
17Ang unang naglahad ng salaysay sa korteay parang iyon na ang totoo,hanggang hindi pa nasusuriat natatanong ng kabilang panig.
18Napapatigil ng palabunutanang mga alitan,at pinagkakasundo ang mahigpitna magkalaban.
19Mas madali pang sakupinang isang napapaderang bayankaysa sa makipagbatisa kapatid  na nasaktan.Kung paanong mahirap wasakinang mga kandado ng tarangkahanng palasyo,mahirap din pigilin ang alitanng dalawang tao.
20Sa bunga ng bibig ng tao,mabubusog ang kanyang tiyan.At sa kahihinatnan ng salitangkanyang binibitawan,siya ay nasisiyahan.
21Ang salita ng taoay makapagliligtas ng buhayo kaya ay nakamamatay.Kaya mag-ingat sa pagsasalitasapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
22Kung nakapag-asawa ka,nakatanggap ka ng kabutihan,at ito ang nagpapakita na mabutiang Panginoon sa iyo.
23Nakikiusap ang dukha,ngunit ang mayamanay masakit magsalita.
24May mga kaibigang nagdudulotng kapahamakanngunit may kaibigan mas malapít pakaysa sa kapatid.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3