Mga Kawikaan17
1Ang kaunting pagkain na pinagsasaluhannang may kapayapaanay higit na mabuti kaysa sa saganangpagkain ngunit may alitan.2Pamumunuan ng maalam na lingkodang nakakahiyang anak ng kanyang amoat sa kanilang mamanahinmakakabahagi pa ito.3Sinusubok ng Panginoon ang pusokatulad ng apoy na sumusuboksa pilak at ginto.4Ang taong masamaay gustong makinigsa kapwa niya masama,at ang taong sinungalingay gustong makinigsa kapwa niya sinungaling.5Ang kumukutya sa mahihirapay inaalipusta ang kanyang Manlilikha.Ang taong nagagalaksa kapahamakan ng ibaay parurusahan.6Karangalan ng mga loloʼt lolaang kanilang mga apo,gayon din naman, karangalan ng mga anakang kanilang mga magulang.7Hindi bagay sa hangalang magsalita ng mabuti,at lalong hindi bagaysa isang namumunoang magsinungaling.8Sa tingin ng iba ang suholay parang salamangkana magagawa ang kahit anumang bagay.9Kung patatawarin moang kasalanan ng iyong kaibigan,mananatili ang inyong samahan,ngunit kung patuloy mong uungkatinang kanyang kasalanan,masisira ang inyong pagkakaibigan.10Sa isang saway lang natututoang taong may pang-unawa,ngunit ang taong mangmangay hindi natututohampasin mo man nang walang awa.11Laging naghahanap ng guloang taong masama,kaya ipapadala laban sa kanyaang isang taong malupitna magpaparusa sa kanya.12Mas mabuti pang masalubong moang isang osong inagawan ng anakkaysa sa hangal na gumagawang kahangalan.13Kapag kasamaan ang iginanti mosa kabutihang ginawa sa iyo,palaging may masamang mangyayarisa sambahayan mo.14Ang simula ng awayay katulad ng butas sa isang dike,kailangang tapalan bago lumaki.15Kasuklam-suklam sa Panginoonang taong nagpaparusasa taong walang kasalanano nagpapalaya sa taong may kasalanan.16Walang kabuluhang pag-aralinang taong hangalsapagkat hindi naman niyahinahangad ang matuto.17Ang kaibigan ay nagmamahalsa lahat ng panahon,at nagkakaroon tayo ng kapatidpara sa kagipitan ay tumulong.18Ang taong nangakong managotsa utang ng ibaay kulang sa karunungan.19Ang taong gusto ng kasalananay gusto rin ng kaguluhan.At ang taong mayabangay naghahanap ng kapahamakan.20Hindi uunlad ang taongbaluktot ang pag-iisip,at ang taong sinungalingay daranas ng kasawian.21Ang anak na hangalay nagdudulot ng kalungkutanat kabiguan sa magulang.22Ang pagiging masayahinay parang gamot na nakabubuti sa katawan,ngunit ang pagiging malungkutinay nagpapahina ng katawan.23Ang taong masamaay tumatanggap ng suholupang ipagkait ang makatarungang hatol.24Ang taong may pang-unawaay naghahangad pa ng karunungan;ngunit ang isip ng mangmangay pagala-gala.25Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitanat kalungkutan sa kanyangmga magulang.26Hindi mabuti na parusahanang taong matuwid o ang taong marangal.27Ang taong marunong at nakakaunawaay maingat magsalitaat hindi padalos-dalos.28Kahit ang mangmangay parang marunongat nakakaunawa kapag tahimik.
Biblica, Inc.