Mga Kawikaan16

1Nasa tao ang pagpaplano,ngunit ang Panginoon ang nagpapasyakung magaganap ito o hindi.
2Ang akala ng taoʼy mabutiang kanyang mga ginagawa,ngunit sinusuri ng Panginoonang tunay na hangarin niya.
3Ipagkatiwala mo sa Panginoonang mga gagawin mo,at magtatagumpay kasa iyong mga plano.
4Ang lahat ay nilikha ng Panginoonna mayroong layunin,kahit na nga ang masasamâ,itinalaga sila para sa kapahamakan.
5Kinasusuklaman ng Panginoonang mayayabangat tiyak na silaʼy parurusahan.
6Kung minamahal natin ang Panginoonnang may katapatan,patatawarin niyaang ating mga kasalanan.Kung may takot tayo sa kanyanang may paggalang,makakalayo tayo sa kasamaan.
7Kapag kinalulugdan ng Panginoonang ating pamumuhay,kahit na ang ating kaawayay gagawin niyang ating kaibigan.
8Mas mabuti pa ang kaunting halagana kinita sa matuwid na paraan,kaysa sa malaking halaga na kinitanang hindi makatarungan.
9Ang tao ang nagpaplano,ngunit nasa Panginoonang kaganapan nito.
10Ang haring pinapatnubayanng karunungan ng Panginoon,ay palaging tama ang paghatol.
11Matapat na timbanganat walang dayang sukatanang nais ng Panginoon sa kalakalan.Ang tamang bigatang kanyang pamantayan.
12Sa mga hari ay kasuklam-suklamang paggawa ng kasamaan,dahil magpapatuloy lamangang kanilang pamamahalakung sila ay makatuwiran.
13Nalulugod ang mga harisa mga taong hindi nagsisinungaling;minamahal nila ang mga taongnagsasabi ng katotohanan.
14Kapag ang hari ay nagalitmaaaring may masawi,kaya sinisikap ng taong matalinona malugod ang hari.
15Kapag ang hari ay ngumingiti,katumbas nito ay buhay.Kapag ang hari ay nalulugod,katulad nitoʼy ulan sa tagsibol.
16Higit na mabuti ang magkaroonng karunungan at pang-unawa,kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.
17Ang daan ng matuwiday lumilihis sa kasamaan;silang maingat sa kanilang landasay naililigtas ang kanilang buhay.
18Ang kayabangan ay humahantongsa kapahamakan,at ang nagmamataasay ibabagsak.
19Mas mabuti pang magpakumbabakasama ng mga mahihirapkaysa makibahagi sa kayamanang kinamkamng mga mayayabang.
20Ang taong nakikinigkapag tinuturuan ay uunlad,at ang taong nagtitiwalasa Panginoon ay mapalad.
21Ang marunong ay kinikilalangmay pang-unawa,at kung siyaʼy magaling magsalitamarami ang matututo sa kanya.
22Kapag may karunungan ka,buhay moʼy bubuti at hahaba;ngunit kung hangal ka, parurusahan kadahil sa iyong kahangalan.
23Ang taong maalam ay nag-iingatsa kanyang mga sinasabi,kaya natututo ang iba sa kanya.
24Ang matatamis na salitaay parang pulot-pukyutan,nakakapagpasaya at nakakapagpasiglang katawan.
25Maaaring iniisip mona ikaw ay nasa tamang daan,ngunit ang dulo pala nitoay kamatayan.
26Ang gutom ng mga manggagawaang dahilan ng kanilang pagsisikap,ito ang nagtutulakupang silaʼy magtrabaho.
27Ang taong masamaay nag-iisip ng kasamaan,at ang bawat sabihin niyaay parang apoy na nakakapaso.
28Ang taong nanlilibak ng kapwaay nagsisimula ng away,at ang matalik na magkaibiganay kanyang pinaghihiwalay.
29Ang taong nabubuhay sa karahasanay nanghihikayat ng kanyang kapwasa kasamaan.
30Mag-ingat sa taong ngingiti-ngitiat kikindat-kindatdahil maaaring masamaang kanyang binabalak.
31Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taongnamumuhay sa katuwiran.
32Higit na mabuti ang taong mapagpasensyakaysa sa taong makapangyarihan.Higit na mabuti ang taongnakakapagpigil sa sarilikaysa sa taong nakakasakopng isang lungsod.
33Ang mga taoʼy nagpapalabunutansubalit nasa Panginoon ang kapasyahan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3