Mga Kawikaan15
1Ang malumanay na sagotay nakakapawi ng poot,ngunit lalong nakakapagpagalitang pabalang na sagot.2Ang salita ng taong marunongay nagpapahiwatig ng karunungan,ngunit ang salita ng hangalay nagpapakita ng kahangalan.3Nakikita ng Panginoonang lahat ng lugar.Minamasdan niya ang ginagawang masasama at ng mga matuwid.4Ang malumanay na pananalitaay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salitaay nakakasugat ng puso.5Hindi pinapansin ng taong hangalang pagtutuwid ng kanyang ama,ngunit ang taong marunong,sumusunod sa mga paalala sa kanya.6Dadami ang kayamanansa tahanan ng mga matuwid,ngunit anumang pag-aari ng masasamâay mawawala. 7Ikinakalat ng marunongang kanyang karunungan,ngunit hindi ito magawa ng mangmang.8Kasuklam-suklam sa Panginoonang handog ng masasamâ,ngunit kalugod-lugod sa kanyaang panalangin ng mga matuwid.9Kinamumuhian ng Panginoonang taong ang gawain ay masama,ngunit ang taong nagsusumikapna gumawa ng matuwiday minamahal niya.10Minamasama ng taong naliligaw ng landaskapag itinutuwid siya.Ang taong umaayaw sa mga pagtutuwiday mamamatay.11Kung alam ng Panginoonang nangyayari sa daigdig ng mga patay,lalo namang alam niyaang nasa puso ng mga taong buháy.12Ang taong nangungutyaay minamasama ang pagsaway;ayaw ding tumanggap ng payomula sa taong may karunungan.13Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya,ngunit kapag ang tao ay malungkot,mukha niya ay nakasimangot.14Ang taong may pang-unawaay naghahangad pa ng karunungan,ngunit ang taong hangalay naghahangad pa ng kahangalan.15Ang buhay ng mga dukhaay palaging mahirap,ngunit kung makukuntento lang silaay palagi silang magiging masaya.16Mas mabuti pang maging mahirapna may takot sa Panginoon,kaysa maging mayaman na ang buhayay puno ng kaguluhan.17Mas mabuti pa ang mag-ulamng kahit gulay langngunit may pagmamahalan,kaysa sa mag-ulamng pinatabang guyangunit may alitan.18Ang taong mainitin ang uloay nagpapasimula ng gulo,ngunit ang taong mahinahonay tagapamayapa ng gulo.19Ang daanan ng tamaday puno ng dawag,ngunit ang daanan ng matuwiday malinis na kalsada.20Ang anak na marunongay ligaya ng magulang,ngunit ang anak na hangalay hinahamak ang magulang.21Ang taong walang isipay nagagalak sa kahangalan,ngunit ang taong may pang-unawaay namumuhay sa katuwiran.22Nabibigo ang planokapag walang nagpapayo,ngunit kapag maraming tagapayo,magtatagumpay ang mga ito.23Nagagalak ang taokapag akma ang sagot niya.Mas nagagalak siyakung nakakasagot siyasa tamang pagkakataon.24Ang daan patungo sa buhayang sinusundan ng taong maalamat iniiwasan niya ang daanpatungo sa kamatayan.25Wawasakin ng Panginoonang bahay ng hambog,ngunit iingatan niyaang lupain ng biyuda.26Kinasusuklaman ng Panginoonang iniisip ng masasamang tao,ngunit nagagalak siyasa iniisip ng mga taongmay malinis na puso.27Ang taong yumaman sa masamang paraanay nagdudulot ng kaguluhansa kanyang sambahayan.Mabubuhay naman nang matagalang taong hindi nasusuhulan.28Ang taong matuwiday pinag-iisipan muna ang sasabihin,ngunit ang taong masamaay basta na lamang nagsasalita.29Malayo ang Panginoon sa masasamâ,ngunit malapit siya sa matutuwidat pinapakinggan niyaang kanilang dalangin.30Ang masayang mukhaay nagbibigay ng tuwaat nagpapasigla ang magandang balita.31Ang taong nakikinigsa mga turo ng buhayay maibibilang sa mga marurunong.32Pinapasama ng tao ang kanyang sarilikapag binabalewala niya ang pagtutuwidsa kanyang pag-uugali,ngunit kung makikinig siya,lalago ang kanyang kaalaman.33Ang takot sa Panginoonay nagtuturo ng karunungan,at ang nagpapakumbabaay pinaparangalan.
Biblica, Inc.