Mga Kawikaan12

1Ang taong tumatanggap ng pagtutuwidsa kanyang pag-uugaliay nagnanais ng karunungan,ngunit ang taong ayaw tumanggapay hangal.
2Ang mabuting taoay kinalulugdan ng Panginoon,ngunit ang taong nagpaplano ng masamaay kanyang pinarurusahan.
3Ang taong gumagawa ng masamaay walang katatagan,ngunit ang taong matuwiday matatag tulad ng isang punongkahoyna malalim ang ugat.
4Ang mabuting maybahayay kasiyahan at karangalanng kanyang asawa,ngunit parang kanser sa butoang nakakahiyang asawa.
5Ang iniisip ng taong matuwid ay tama,ngunit ang mga payo ng taong masamaay mapanlinlang.
6Ang salita ng taong masamaay nakamamatay,ngunit ang salita ng taong matuwiday nakapagliligtas.
7Mapapahamak at maglalahoang mga taong masama,ngunit mananatili ang lahing mga taong matuwid.
8Pinararangalan ang taong may karunungan,ngunit hinahamak ang taongmasama ang kaisipan.
9Mas mabuti ang taong simplengunit kayang magbayad ng katulongkaysa sa taong nagkukunwaring mayamanngunit kahit makain ay wala naman.
10Ang taong matuwid ay mabaitsa kanyang mga alagang hayop,ngunit ang taong masamaay malupit at walang awasa kanyang mga hayop.
11Ang masipag magsaka sa kanyang lupainay laging sagana sa pagkain,ngunit ang gumugugol ng orassa walang kabuluhang bagayay salat sa karunungan.
12Kinaiinggitan ng magnanakawang nasamsam ng kanyang kapwa,subalit nag-uugat ang matuwidat nananatiling matatag.
13Ang kasamaang sinasabi ng taong masamaay nagdudulot sa kanya ng gulo,ngunit ang taong matuwiday umiiwas sa gulo.
14Ang mga salitang nagmumula sa karunungan,ay nagbubunga ng mabubuting bagayat ang pagbabanat-buto namaʼymay gantimpalang naghihintay.
15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama,ngunit ang taong marunongay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit,ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansinang pang-iinsulto sa kanya.
17Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan,ngunit ang hindi tapat na saksiay nagsasabi ng kasinungalingan.
18Ang pabigla-biglang salitaay nakakasugat ng damdamin,ngunit ang magandang salitaay nagpapagaling.
19Ang katotohanan ay mananatili kailanman,ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.
20Pandaraya ang nasa pusong mga taong nagbabalak ng masama,ngunit kagalakan ang nasa pusong mga taong naghahangadng kapayapaan.
21Walang mangyayaring masamasa taong matuwid,ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhanang mararanasan.
22Nasusuklam ang Panginoonsa mga nagsasabi ng kasinungalingan,ngunit nalulugod siya sa nagsasabing katotohanan.
23Hindi ipinagyayabangng taong maalam ang kanyang nalalaman,ngunit ang hangal ay ibinibidaang kanyang kahangalan.
24Ang taong masipag ay magiging pinuno,ngunit ang tamad ay magiging alipin.
25Ang kabalisahan sa puso ng isang taoay nakapagpapalungkot,ngunit kaaaliwan nitoang mabuting salita.
26Ginagabayan ng taong matuwidang kanyang kaibigan,ngunit ililigaw ka ng taong masama.
27Hindi makakamit ng taong tamadang kanyang hinahangad,ngunit ang taong masipagmaganda ang hinaharap.
28Ang matuwid na pamumuhayay patungo sa buhay,at maililigtas ka nito sa kamatayan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3