Mga Kawikaan11
1Kinasusuklaman ng Panginoonang nandaraya sa timbangan,ngunit ang nagtitimbang ng tamaay kanyang kinalulugdan.2Ang taong mayabangay madaling mapahiya,ngunit may karununganang taong mapagpakumbaba.3Ang pamumuhay nang may katapatanang gagabay sa taong matuwid,ngunit ang taong mandarayaay mapapahamakdahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.4Ang kayamanan ay hindi makakatulongsa araw ng paghuhukom,ngunit ang matuwid na pamumuhayay magliligtas sa iyo sa kamatayan.5Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhayay makapagpapagaan ng buhay,ngunit ang masamang pamumuhayay maghahatid ng kapahamakan.6Ang pamumuhay ng taong matuwidang magliligtas sa kanya,ngunit ang hangad ng taong mandarayaang magpapahamak sa kanya.7Kapag namatay ang taong masama,pag-asa niyaʼy mawawala,at ang kanyang mga inaasahanay mawawalan ng kabuluhan.8Inililigtas ng Diyos sa kahirapan ang matuwid,ngunit ang masamâʼy kanyang pinapabayaan.9Ang salita ng walang diyosay nakakasira ng kapwa.Ngunit ang karunungan ng matuwiday nakakaligtas.10Kapag ang matuwid ay pinagpapala,mga taoʼy sumisigaw sa tuwa.At kapag ang masama ay napapahamakganoon din ang kanilang ginagawa.11Umuunlad ang isang bayansa pagpapala ng mga mamamayang matuwid,subalit nawawasak ito sa pamamagitanng salita ng masama.12Ang taong walang pang-unawaay kinukutya ang kapwa,ngunit ang taong may pang-unawaay hindi nangungutya.13Ang mga taong madaldalay nagsisiwalat ng sikreto,ngunit ang taong mapagkakatiwalaanay nakakapagtago nito.14Kung walang gumagabay,babagsak ang bansa,ngunit tiyak ang kaligtasankung maraming tagapayo.15Mapanganib ang mangakong managotsa utang ng iba,kaya iwasan itong gawinupang hindi ka magkaproblema.16Ang babaeng maganda ang ugaliay nag-aani ng karangalan,ngunit ang taong marahasay magaling lang sa pag-angkinng kayamanan.Ang taong tamad ay maghihirap, ngunit ang taong masipag ay yayaman.17Ang mabuting tao ay gagantimpalaanng kanyang kabutihan,ngunit hahantong sa kapahamakanang taong malupit.18Ang masamang taoay hindi tatanggapng tunay na gantimpala,ngunit ang gumagawa ng matuwiday tatanggap ng tunay na gantimpala.19Ang taong gumagawa ng matuwiday patuloy na mabubuhay,ngunit ang taong gumagawa ng masamaay mamamatay.20Kasuklam-suklam sa Panginoonang pag-iisip ng masama,ngunit ang buhay na matuwiday kalugod-lugod sa kanya.21Ang taong masama,tiyak na parurusahan,ngunit ang matuwid ay makakaligtas.22Ang magandang babaenghindi marunong magpasyaay parang isang gintong singsingsa nguso ng baboy.23Ang ninanais ng matuwiday pawang kabutihan,ngunit ang ninanais ng masamaay nagdudulot ng kaguluhan.24Ang mga taong mapagbigayay lalong yumayaman,ngunit ang mga taong sakimay hahantong sa kahirapan.25Ang taong mapagbigayay magtatagumpay sa buhay;ang taong tumutulongay tiyak na tutulungan.26Isinusumpa ng mga taoang nagtatago ng ani niya,ngunit ang gustong magtinda nitoay pinagpapala nila.27Ang naghahanap ng kabutihan,siyaʼy mapapaburan,ngunit ang naghahanap ng kasamaan,itoʼy kanyang makakamtan.28Mabibigo ang taong nagtitiwalasa kanyang kayamanan,ngunit ang taong matuwiday lalago na parangsariwang halaman.29Ang mga hangal na nagdadalang gulo sa sariling tahananay walang mamanahin sa huli.Magiging alipin lang silang mga taong may karunungan.30Ang ginagawa ng mga taong matuwiday makakatulong sa iba upang mapabutiat mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga taosa pamamagitan ng kanyang karunungan.31Kung natatanggap ng matutuwidang kanilang gantimpala dito sa lupa,paano pa kaya ang mga walang diyosat mga makasalanan?
Biblica, Inc.