Mga Kawikaan13

1Ang matalinong anak ay nakikinigsa pangaral ng kanyang ama,ngunit ang mapangkutyang anakay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
2Ang taong nagsasalita ng mabutiay gagantihan ng mabuting bagay,ngunit ang salita ng taong hindi tapatay gagantihan ng karahasan.
3Ang taong maingat sa pagsasalitaay nag-iingat ng kanyang buhay.Ngunit ang taong madaldal,dulot sa sarili ay kapahamakan.
4Ang puso ng tamaday puno ng hangarin,na hindi niya makakamtan,ngunit ang inaasam ng masipagay tiyak na matutugunan.
5Ang taong matuwiday namumuhi sa kasinungalingan,ngunit ang taong masamaay gumagawa ng mga bagayna kahiya-hiya.
6Ang taong walang kapintasanay iingatan dahil sa kanyangmatuwid na pamumuhay,ngunit ang makasalananay mapapahamakdahil sa kanyang kasamaan.
7May mga taong nagkukunwaring mayamanngunit mahirap naman,at may mga nagkukunwaring mahirapngunit mayaman naman.
8Ang taong mayamanay may pantubos ng kanyang buhay,ngunit ang taong mahirapay hindi man lang pinagtatangkaan.
9Ang buhay ng taong matuwiday parang ilaw na maliwanag,ngunit ang buhay ng masamaay parang ilaw na namatay.
10Ang kayabangan ay humahantongsa kaguluhan at pagtatalo,ngunit ang nakikinig sa payoay nagpapahiwatig ng karunungan.
11Ang kayamanang nakuhasa pandarayaay madaling nawawala,ngunit ang kayamanang pinaghirapanay pinagpapala.
12Ang hangaring naantalaay nakapanghihina,ngunit ang hangaring natupaday nakapagpapalakas at nakapagpapasigla. 
13Ang taong tumatanggisa turo at utos sa kanyaay mapapahamak,ngunit ang sumusunod ditoay gagantimpalaan.
14Ang mga turo ng taong matalinoay bukal ng buhay,ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.
15Ang taong may mabuting pang-unawaay iginagalang,ngunit ang taong taksilay kapahamakan ang kahahantungan.
16Ang taong maalam,itinatago ang karununganngunit ang taong hangal,inilalantad ang kanyang kahangalan.
17Ang masamang sugoay lumilikha ng kaguluhan,ngunit ang mapagkakatiwalaang sugoay nagpapabuti ng ugnayan.
18Ang taong ayaw tumanggap ng pangaralay daranas ng kahirapan at kahihiyan,ngunit ang tumatanggap nitoay pararangalan.
19Ang pangarap na natupaday nagdudulot ng ligaya;subalit ang taong hangalay hindi tumitigil sa paggawa ng masama.
20Kapag ang lagi mong kasamaay isang taong marunong,magiging marunong ka rin,ngunit kapag hangalang lagi mong kasamaay mapapahamak ka.
21Ang kapahamakan ay daratingsa mga makasalanansaanman sila magpunta,ngunit ang mga matuwiday gagantimpalaanng mabubuting bagay.
22Ang kayamanan ng mabuting taoay mamanahin ng kanyang mga apo,ngunit ang kayamanan ng makasalananay mapupunta sa matutuwid.
23Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap,hindi rin sila makikinabang ditodahil sa hindi makatuwirangpatakaran ng iba.
24Ang mapagmahal na magulangay nagdidisiplina ng kanyang anak.Sapagkat kung mahal mo ang iyong anakitutuwid mo ang kanyang ugali.
25Ang taong matuwiday makakakain ng sapat,ngunit ang masasamâay magugutom.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3