Nahum3

Kahabag-habag ang Nineve

1Kahabag-habagang lungsod ng Nineve.Ito ay puno ng kasakimanat kasinungalingan,lungsod ng mamamatay-taoat hindi nauubusan ng mabibiktima.2Sasalakayin sila ng mga kalaban nila.Maririnig nila ang hagupit ng latigo,ang ingay ng mga gulong ng mga karwahe,ang yabag ng paa ng mga kabayo,at ang rumaragasang mga karwahe.3Makikita nila ang sumusugodna mga mangangabayo,ang kumikinang na mga espadaat mga sibat,at ang nakabuntong mga patayna di-mabilang.Matitisod sa mga bangkayang mga sundalo.4Mangyayari ito sa Ninevedahil para siyang babaeng bayaran,isa siyang mapang-akit na mangkukulam.Sa pang-aakit niya,naaalipin niya ang mga bansa;sa panggagayuma niya,nasasakop niya sila.
5Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan,“Mga taga-Nineve, kalaban ko kayo!Kaya ipapahiya ko kayosa harapan ng mga bansaat mga kaharian.Makikita nila kayong huboʼt hubadkatulad sa isang babaeng itinaasang palda hanggang ulo.6Kasusuklaman ko kayo;hahagisan ko kayo ng dumiat papanoorin kayo ng mga tao.7Lahat ng makakakita sa inyoay lalayo sa inyoat sasabihing,‘Nawasak na ang Nineve.Sino ang magluluksa para sa kanya?’Walang mahahanap na aaliw sa kanya.”
8Higit bang mabuti ang Ninevekaysa sa lungsod ng Tebesna malapit sa Ilog Nilo?Ang ilog na ito ang pinakapader ng Tebezna nagsisilbing proteksyon nito.9Ang Etiopia  at ang buong Ehiptoang pinanggagalingan ng lakas ng Tebez,at ang akala niyaʼy mananatili itomagpakailanman.Ang Put at ang Libyaay mga bansang kakampi rin niya.10Ganoon pa man, naging bihag pa rinang kanyang mga mamamayanat dinala sa ibang lugar.Ang kanilang mga anakay pinagdudurog sa mga lansangan.Ginapos ng kadena ang kanilangmga tinitingalang mamamayanat pinaghiwa-hiwalay para gawing alipinsa pamamagitan ng palabunutan.11Kayo ring mga taga-Nineve,kikilos kayong parang mga lasing.Magtatago kayo at maghahanap ng kanlunganmula sa inyong mga kaaway.12Ang lahat ng inyong mga napapaderang lungsoday magiging parang mga puno ng igosna ang unang bunga ay hinog na;at kapag inuga ang puno,malalaglag ang mga bungaat maaari nang kainin.13Tingnan ninyo ang inyong mga kawalpara silang mga babae!Ang tarangkahan ng pintuanng inyong lungsoday masusunog,kaya madali na itong mapapasokng inyong mga kalaban.
14Humanda na kayo sa pagsalakayng inyong kalaban.Mag-ipon na kayo ng tubig.Patibayin ninyo ang mga padersa palibot ng inyong lungsod.Gumawa kayo ng mga tisaat ayusin ninyo ang mga pader na ito.15Pero mamamatay kayosa inyong kinaroroonansa pamamagitan ng apoy at espada.Para kayong halamanang sinalakayng mga balang.Dumami kayo na parang balang!16Pinarami ninyo ang inyongmga mangangalakalna higit pa sa mga bituin sa langit.Subalit magiging tulad sila ng mga balangna pagkatapos na maubosang mga tanimay lumipad nang palayo.17Ang inyong mga tagapagbantayat mga opisyalay kasindami ng mga balangna nakadapo sa mga paderkapag malamig ang panahon.Ngunit pagsikat ng araw ay nagliliparanat walang nakakaalam kung saansila pumunta.18Hari ng Asiria,patay na ang iyong mga pinuno.Ang mga maharlika moʼy hindina magigising kailanman.Nakakalat sa kabundukanna parang mga tupaang iyong mamamayan,at wala nang magtitipon sa kanila.19Ang katulad moʼynasugatan nang malubhana hindi gumagaling.Ang lahat ng makakabalitasa sinapit moay magpapalakpakan sa tuwa,dahil silang lahat ay nakaranasng iyong kalupitan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3