Nahum2

Ang Pagkawasak ng Nineve

1Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayong inyong mga kalabanna magkakalat sa inyo.Kaya guwardiyahan ninyo ang paderng inyong lungsodat bantayan ang mga daan.Tipunin ninyo ang inyong mga sundaloat humanda kayo sa digmaan.
2Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda na parang mga tanim na ubas  na pinatay,ibabalik ng Panginoonang kanilang kapangyarihan.
3Pula ang kalasag at damitng mga sundalo ng inyong kalaban.At sa oras ng kanilang pagsalakaykumikislap ang metalng kanilang mga karwaheat nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo. 4Humahagibis ang kanilang mga karwahesa mga lansangan,parooʼt parito na sumusugodsa mga liwasan.Nagliliwanag ang mga itona parang sulo,at kumikislap na parang kidlat.
5Inuutusan ng hariang mga opisyal ng mga kawal.Nagkakandarapa sila papuntasa mga paderupang maglagay ng mga pananggalangpara sa mga sundalong wawasak ng pader.6Ang tarangkahan ng mga ilogay mabubuksan,at ang palasyo ay guguho.7Naipahayag na, na bibihagin kayo at dadalhin sa ibang bayan.Uungol ang inyong mga utusang babaena parang kalapatihabang dinadagukan nilaang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan.8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineveay parang tubig na umagosmula sa nawasak na imbakan ng tubig.Ang mga tumatakas ay pinapabalikng kanilang mga kasamangunit wala ni isa mang bumalik.9Samsamin ninyo ang pilak!Samsamin ninyo ang ginto!Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve,hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila.10Malilipol, mawawasakat magiging mapanglaw na ang Nineve!Kaya natatakot ang mga mamamayan nito,nanghihina ang buong katawan nila,nanginginig ang kanilang mga tuhod,at namumutla silang lahat.
11Ang Nineve ay parang yungibna tinitirhan ng mag-asawang leonat ng mga anak nito.Walang puwedeng manakitsa kanila sa yungib.12Pinapatay at nilalapa ng lalaking leonang kanyang biktimaat ibinibigay sa kanyang asawaat mga anak.Pinupuno niya ang kanyang yungibng karne ng kanyang mga biktima. Ngunit ngayon, ang Nineve ay wawasakin na.13Sapagkat sinasabing Panginoon ng mga Hukbo,“Makinig kayong mga taga-Nineve!Kalaban ko kayo!Kaya susunugin koang inyong mga karwaheat mamamatay sa digmaanang inyong mga kawal. Wawakasan ko naang inyong pambibiktima sa lupain.Hindi na kayo makapagpapadalang mga mensahero sa ibang bansa.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3