Habakuk1
1Ito ay isang propesiya na ipinahayag kay Propeta Habakuk.
Ang Unang Hinaing ni Habakuk
2Sinabi ni Habakuk,“Panginoon, hanggang kailan po akohihingi ng tulong sa inyobago nʼyo ako dinggin?Kailan nʼyo po ba kami ililigtassa mga karahasang ito?3Bakit nʼyo po ipinapakita sa akinang mga kasamaan at kaguluhan?Kahit saan ay nakikita koang patayan, karahasan,hidwaan at pagtatalo.4Kaya naging walang kabuluhanang kautusan.At wala ring katarungandahil ang mga taong may kasalananang siyang nananalo sa korte,at hindi ang mga taong walang kasalanan.Kaya nababaluktot ang katarungan.”Ang Sagot ng Diyos kay Habakuk
5Sumagot ang Diyos,“Tingnan ninyong mabutiang mga nangyayari sa mga bansaat talagang magtataka kayosa inyong makikita.Sapagkat may gagawin akosa inyong kapanahunanna hindi ninyo paniniwalaankahit may magbalita pa nito sa inyo.6Sapagkat pamamahalain koang mga taga-Babilonia, na kilala sa kalupitan at karahasan.Mabilis nilang sinasalakayang mga bansa sa buong mundoupang agawin ang mga lugarna hindi kanila.7Kinatatakutan sila ng mga tao.Ginagawa nila ang gusto nilaat walang makakapigil sa kanila.8Ang mga kabayo nilaʼy mas mabiliskaysa sa mga leopardoat mas mabangis kaysa sa mga lobona gumagala sa gabi.Tumatakbo ito mula sa malalayong lugar,parang agilang mabilis na lumilipadpara dagitin ang kanyang biktima.9Paparating ang kanilang mga sundalona handang gumawa ng kalupitan.Para silang malakas na hanginmula sa silangan.Ang kanilang mga bihagay kasindami ng buhangin.10Hinahamak nila ang mga hariat mga pinuno.Tinatawanan lamang nilaang mga napapaderang lungsod,dahil kaya nila itong akyatinsa pamamagitan ng pagtambakng lupa sa tabi nito.Sa ganitong paraan, nakakapasok silaat nasasakop nila ang lungsod.11Pagkatapos, aalis silana parang hangin lang na dumaan.Nagkasala sila,dahil wala silang kinikilalang diyoskundi ang sariling kakayahan.”Ang Pangalawang Hinaing ni Habakuk
12Sinabi ni Habakuk,O Panginoon,ang aking Batong kanlungan,Kayo ang aking Diyos,ang banal na Diyosna walang kamatayan.O Panginoon,ang Batong kanlungan,pinili nʼyo ang mga taga-Babiloniaupang kamiʼy parusahan.13Dahil banal kayo,hindi nʼyo matitiis na tingnanang kasamaan at kaguluhan.Ngunit bakit nʼyo hinahayaanang mga traydor na gawin ito sa amin?Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitanang mga taong matutuwidkung ihahambing sa kanila?14Ang kanilang mga kalabanay ginawa ninyong parang mga isdana walang pinunong magtatanggolsa kanila.15Masayang nagdiriwangang mga taga-Babiloniadahil sa pagbihag nilasa kanilang mga kalabanna parang mga isdang nahulisa bingwit o lambat.16At dahil marami silang nabihag,ipinagmamalaki nilaang kanilang kakayahankatulad ng mangingisdang sinasambaang kanyang bingwit o lambatsa pamamagitan ng paghahandog ng insensobilang handog sa mga bagay na ito.Dahil sa pamamagitan ng bingwit o lambatay yumaman siya at nagkaroonng masaganang pagkain.17Kaya Panginoon,magpapatuloy na lang po baang kanilang walang awang pagbihagat pagwasak sa mga bansa?Biblica, Inc.