Nahum1
1Ito ay isang propesiya patungkol sa Nineve. Nilalaman ng aklat na ito ang mga pangitain ni Nahum na taga-Elcos.
Ang Galit ng Panginoon sa Nineve
2Ayaw ng Panginoong Diyosna sumamba ang mga taosa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaawayat pinaghihigantihan niya sila.3Ang Panginoonay hindi madaling magalit,ngunit dakila ang kanyang kapangyarihanat tiyak na parurusahan niya ang nagkasala.Kapag dumadaan siya,umuugong ang hangin at bumabagyo.Ang mga ulap ay parang alikaboksa kanyang mga paa.4Sa utos lamang niyaʼy natutuyoang mga dagat at mga ilog.Nalalanta ang mga tanim sa Bashan,sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon.5Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya,pati na ang mga bundok at mga burol,at ang mga tao sa mundo ay nanginginig.6Sino ang makakatagalsa matinding galit ng Panginoon?Kapag siya ay nagalit,para siyang bumubuga ng apoy,at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya.7Ang Panginoon ay mabuti;matibay siyang kanlungansa oras ng kagipitan,at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.8Sa pamamagitan ng rumaragasang bahaPupuksain niya ang Nineve.Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay. 9Ano man ang kanilang masamangbinabalak laban sa Panginoonay kanyang wawakasan;ang kaguluhang dulot nilaay hindi na mauulit pa.10Para kayong mga lasingna nakapulupot sa matinik na halaman.Lilipulin kayo na parang natutupok na dayami.11Ang isa sa inyong mga pinunoay nagbalak ng masama labansa mga mamamayan ng Panginoon.Masama ang kanyang ipinapayo.12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Juda:“Kahit na malakas at maramiang kalaban ninyong taga-Asiria,lilipulin ko sila hanggang sa mawala.Kahit na pinarusahan ko kayo,hindi ko na iyon uulitin pang muli.13Ngayoʼy babaliin ko ang pamatokng pang-aalipin mula sa inyong mga leeg,at kakalasin ko ang tanikalang pang-aapi ng mga taga-Asiria.”14Ito naman ang sinasabing Panginoon sa mga taga-Asiria:“Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin koang mga rebulto ninyong kahoy o metalsa templo ng inyong mga diyos-diyosan.Ihahanda ko na ang inyong mga libingandahil hindi na kayo dapat mabuhay.”15Mga taga-Juda,tingnan ninyo ang kabundukan!Dumarating na ang mensaherongmaghahatid ng magandang balitang kapayapaan sa inyong bayan.Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga pista,at tuparin ninyoang inyong mga panata sa Panginoon.Sapagkat ang masamang bansa ng Asiriaay hindi na sasalakay sa inyo,dahil lubusan na silang lilipulin.Biblica, Inc.