Micas7

Ang Katiwalian ng Israel

1Sinabi ni Micas:Kahabag-habag ako!Para akong isang gutom na naghahanapng natitirang bunga  ng ubas o igosngunit walang makitani isang kumpol nito.2Wala na akong nakitang tao sa Israelna tapat sa Diyos.Wala nang natirang taong matuwid.Ang bawat isa ay naghahanapng pagkakataonupang patayinang kanyang kababayan,tulad ng taong naghahanda ng bitagpara sa hayop na kanyang huhulihin.3Bihasa silang gumawa ng kasamaan.Ang mga pinuno at mga hukomay tumatanggap ng suhol.Sumusunod lamang silasa gusto ng mga taong tanyagat makapangyarihan.Nagkakaisa silaupang baluktutin ang katarungan.4Ang pinakamabuti sa kanilaay parang dawag na walang silbi.Dumating na ang panahonng pagpaparusa ng Diyossa mga taong ito,gaya ng kanyang babala sa kanilasa pamamagitan ng mga propetana parang mga guwardiya sa tore.Dumating na ang panahonng kanilang pagkalito.5Huwag na kayong magtiwalasa inyong kapwao sa inyong mga kaibigan.At mag-ingat kayo sa inyong sinasabikahit na sa inyong mahal na asawa.6Sapagkat ang anak na lalakiay hindi na gumagalangsa kanyang ama,ang anak na babaeay nagrerebelde sa kanyang ina,at ang manugang na babaeay nagrerebelde rinsa kanyang biyenang babae.Ang kaaway ng isang taoay ang kanya mismong kapamilya.
7Subalit para sa akin,magtitiwala akosa Panginoon na aking Diyos.Maghihintay ako sa kanyana magliligtas sa akin,at tiyak na ako ay kanyang diringgin.

Babangon ang Israel

8Sinabi ng mga Israelita,“Hindi tayo dapat kutyainng ating mga kaaway.Kahit na nadapa tayo,muli tayong babangon.At kahit na nasa kadiliman tayo,ang Panginoon ang ating ilaw.9Dahil sa nagkasala tayo sa Panginoon,dapat nating tiisinang kanyang parusa sa atinhanggang sa ipagtanggol niya tayoat bigyan ng katarungan.Makikita natin ang pagliligtas niya sa atinsa pamamagitan ng pagdala niyasa atin sa kaliwanagan.10Makikita ito ng ating mga kaawayat mapapahiya sila.Sapagkat kinukutya nila tayo noonna nagsasabi,‘Nasaan na ang Panginoonna inyong Diyos?’Hindi magtatagal at makikita natinang kapahamakan nila.Magiging tulad sila ng putikna tinatapak-tapakan sa lansangan.”
11Darating ang arawna muli ninyong itatayoang mga pader ninyoat sa panahong iyon lalong lalawakang inyong teritoryo.12Sa panahon ding iyon, pupunta sa inyoang mga tao mula sa Asiriaat sa mga lungsod ng Ehipto,at mula sa Ehipto hanggang sa Ilog Eufrates,at mula sa malalayong lugar. 13Magiging mapanglaw na lugarang mga bansa sa mundodahil sa kasamaanng mga naninirahan doon.

Panalangin at Pagpupuri

14Patnubayan nawa ninyoang inyong mamamayankatulad ng pastol sa kanyang kawan.Ang mga lupain sa aming paligiday may masaganang pastulan,ngunit kami ay namumuhaysa kaparangan na kami-kami lang.Palawakin nʼyong muliang aming teritoryohanggang sa Bashanat sa Gilead katulad noon.
15Sinabi ng Panginoon,“Magpapakita ako sa kanilang mga himala,katulad noong inilabas ko kayosa Ehipto.”
16Makikita ito ng mga bansaat mapapahiya sila sa kabilang kanilang kapangyarihan.At hindi na sila makikinigo magsasabi ng mga panlalait sa amin.17Gagapang sila sa lupana parang ahas dahil sa sobrang hiya.Lalabas sila sa kanilang lunggana nanginginig sa takot sa inyo,Panginoon naming Diyos.18Walang ibang Diyos na katulad ninyo!Pinapatawad ninyo ang kasamaanat kinakalimutan ang kasalananng nalalabing lahi ng inyong mamamayan.Hindi kayo nananatiling galitmagpakailanmandahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.19Kamiʼy muli ninyong kahabagan,ang aming mga kasalanaʼy inyong yurakan,at ihagis ito sa ilalim ng karagatan.20Ipakita ninyo ang inyong pag-ibigat katapatansa amin na mga lahi ni Abrahamat ni Jacob,gaya ng iyong ipinangako sa kanilanoong unang panahon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3