Micas6
Ang Paratang ng Panginoon Laban sa mga Israelita
1Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon:“Tumindig kayo at ilahad ang inyong kaso;iparinig ninyo sa mga bundokat mga burol ang inyong reklamo.2“At kayong mga bundok na matitibayna pundasyon ng mundo,pakinggan ninyoang paratang ng Panginoonlaban sa mga Israelitana kanyang mga mamamayan.3“Mga mamamayan ko,ano ang nagawa kong kasalanan sa inyo?Pinahirapan ko ba kayo?Sagutin ninyo ako.4Inilabas ko kayo mula sa Ehiptoat iniligtas kayo sa lupainng pagkaalipin.At pinili ko sina Moises,Aaron at Miriamupang pangunahan kayo.5Mga mamamayan ko,alalahanin din ninyongsinugo ni Haring Balak ng Moabsi Balaam na anak ni Beorupang sumpain kayo.Ngunit pinagsalita ko si Balaamng mga pagpapala sa inyo.Alalahanin ninyo ang inyong paglalakbaymula Shitim hanggang Gilgalkung saan ipinakita sa inyoang aking katapatan.Alalahanin ninyo ang mga pangyayaring itoupang malaman ninyonginiligtas kayo ng Panginoon.”6Sumagot ang isang Israelita,“Ano ang ihahandog kosa Panginoon, ang Diyos sa langit,kapag sasamba ako sa kanya?Mag-aalay ba ako ng guyabilang handog na sinusunog?7Matutuwa kaya ang Panginoonkung hahandugan ko siyang libo-libong tupaat nag-uumapaw na langis?Ihahandog ko ba sa kanyaang panganay kong anak bilang kabayaransa aking mga kasalanan?”8Hindi! Sinabi na ng Panginoonkung ano ang mabuti.At ano ang ninanais niya sa inyo?Gawin ang matuwid,pairalin ang pagkamaawain,at buong pagpapakumbabangsumunod sa Diyos.Parurusahan ng Panginoon ang mga Israelita
9Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoonsa lungsod ng Jerusalem,dahil ang taong may takot sa kanyaang siyang may tunay na karunungan:“Kayong mga kabilang sa lahi ni Juda,magtipon-tipon kayosa lungsod ng Jerusalem at makinig.10Masasama kayong mamamayan!Hindi ko makakalimutanang mga kayamanang natipon ninyosa masamang paraan.Gumagamit kayo ng madayang takalan.Itoʼy gawaing aking kinasusuklaman.11Hindi maaaring pabayaan ko na lang kayosa mga pandaraya ninyosa inyong timbangan.12Malulupit ang mayayaman sa inyo,at mga sinungaling kayo.13Kaya sinimulan kong lipulin kayobilang parusasa inyong mga kasalanan.14Kakain kayo,ngunit hindi kayo mabubusog;mananatili kayong gutom.Mag-iimpok kayo,ngunit walang maiiwan,sapagkat masisira lamang itosa digmaan.15Magtatanim kayo,ngunit hindi ninyo maaani.Magpipisa kayo ng mga olibongunit hindi ninyo mapapakinabanganang langis nito.Magpipisa kayo ng mga ubas,ngunit hindi ninyo maiinomang katas nito.16Mangyayari ito sa inyodahil sinunod ninyoang masasamang gawa,mga tuntunin,at mga payoni Haring Omri at ng anak niyangsi Haring Ahab.Kaya wawasakin ko kayo;hahamakin kayoat lalaitin ng ibang mga bansa.”Biblica, Inc.