Micas5

Ang Ipinangakong Pinuno mula sa Betlehem

1Mga taga-Jerusalem,ihanda ninyo ang inyong mga kawal,dahil napapaligiran na kayong mga kalaban.Hahampasin nila ng tungkodang mukha ng pinuno ng Israel.
2Sinabi ng Panginoon,“Bethlehem Efrata,kahit na isa ka sa pinakamaliit na bayan sa Juda,manggagaling sa iyoang taong maglilingkod sa akinbilang pinuno ng Israel.Ang kanyang mga ninunoay kilalang-kilala noongunang panahon.”
3Kaya ang mga mamamayan ng Israelay ipapaubaya ng Panginoonsa kanilang mga kaawayhanggang sa maisilangng babaeng namimilipit sa sakit ang sanggol na lalakina mamumuno sa Israel.Pagkatapos,ang mga kababayan ng pinunong itona nabihag ng ibang bansaay babalik sa kanilang mga kapwa Israelita.
4Pamamahalaan niyaang mga mamamayan ng Israelsa pamamagitan ng lakasat kapangyarihan ng Panginoon.Ang katulad niyaʼy isang pastolna nagbabantay ng kanyang kawan.Kaya mamumuhay sila nang mapayapadahil kikilalanin ng mga taosa buong mundo ang kanyang kadakilaan.
5Siya ang magdadala ng kapayapaan.Kapag sinalakay ng Asiria ang ating bansaat pasukin ang mga muog ng ating lungsod,ihaharap natin sa kanilaang ating mga malalakas na pinuno.6Tatalunin nilaat pamumunuan ang Asiria,ang lupain ni Nimrod,sa pamamagitan ng kanilang mga tabak.Kaya ililigtas nila  tayokapag sinalakay ng mga taga-Asiriaang ating bansa.
7Ang mga natitirang Israelitaay magiging pagpapala sa maraming bansa.Magiging tulad sila ng hamog at ulanna ibinibigay ng Panginoonupang tumubo ang mga tanim.Magtitiwala sila sa Diyos at hindi sa tao.8Ngunit magdadala rin silang kapahamakan sa mga bansa.Magiging tulad sila ng leonna matapang sumalakaysa mga hayop sa kagubatanat sa kawan ng mga tupa sa pastulan.Kapag sumalakay ang leon,nilulundagan nito ang kanyang biktimaat nilalapa,at hindi ito makakaligtas sa kanya.9Magtatagumpay ang mga Israelitalaban sa kanilang mga kalaban.Lilipulin nila silang lahat.
10Sinabi ng Panginoon,“Sa mga araw na iyon,ipapapatay ko ang inyong mga kabayoat sisirain ko ang inyong mga karwahe.11Gigibain ko ang inyong mga lungsodpati na ang mga napapaderang lungsod.12Sisirain ko ang inyong mga anting-antingat maglalaho ang inyong mga mangkukulam.13Hindi na kayo sasamba sa mga imahenat sa mga alaalang bato na inyong ginawa,dahil wawasakin ko ang mga ito.14Sisirain ko rinang inyong mga imahenng diyosang si Ashera.At wawasakin ko ang inyong mga lungsod.15Sa aking matinding galit,maghihiganti ako sa mga bansangsumuway sa akin.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3