Micas4

Ang Paghahari ng Panginoon sa Hinaharap

1Sa mga huling araw,ang bundok na kinatatayuanng templo ng Panginoonay magiging pinakamahalagasa lahat ng bundok.Dadagsa rito ang mga taomula sa ibaʼt ibang bansa.
2Sasabihin nila,“Tayo na sa bundok ng Panginoon,sa Templo ng Diyos ni Jacob.Tuturuan niya tayo roonng kanyang mga pamamaraanupang sundin natin.”Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion,ang lungsod ng Jerusalem,na dala ang Kautusan ng Panginoon.3Pagkakasunduin niyaang maraming bansa,pati na ang mga makapangyarihangbansa sa malayo.Kaya hindi na magdidigmaanang mga bansa,at hindi na rin sila magsasanayng mga sundalo para sa digmaan.Gagawin nilang araroang kanilang mga espada,at karit na pantabasang kanilang mga sibat.4Ang bawat tao ay uupo sa ilalimng kanilang tanim na ubasat puno ng igosnang walang kinatatakutan.Mangyayari ito,dahil sinabi itong Panginoon ng mga Hukbo.5Kahit na sumunod ang mga taosa mga diyos-diyosan nila,kami ay patuloy pa ringsusunod sa Panginoonna aming Diyos magpakailanman.

Ang Plano ng Panginoon

6Sinabi ng Panginoon,“Sa darating na mga araw,titipunin ko ang aking mga mamamayanna aking pinarusahan,na parang mga tupang pilayat nakakalat.7Ang mga natira sa kanilaay gagawin kong makapangyarihang bansa.At mula sa araw na iyonay maghahari ang Panginoon sa kanilasa Bundok ng Zion magpakailanman.8Ikaw naman, Zion, tulad ka ng torena nagbabantay sa mga kawan,ibibigay muli sa iyoang dati mong kapangyarihan,ibabalik sa iyo, Jerusalem,ang iyong kaharian.”
9Mga mamamayan ng Zion,bakit kayo dumaraingna parang babaeng manganganak na?Nandiyan pa naman ang inyong mga hari,at buháy pa ang kanyang mga tagapayo.10Sige, mamilipit kayo sa sakitna parang babaeng manganganak na,dahil hindi magtatagalay lilisanin nʼyo ang inyong lungsodat maninirahan kayo sa kaparangan,at pagkataposay dadalhin kayo sa Babilonia.Ngunit ililigtas kayo doon ng Panginoonmula sa inyong mga kalaban.
11Maraming bansa ang nagkaisaupang makipaglaban sa inyo.Sinasabi nila,“Hiyain  natin ang Zion!At pagkatapos, panoorin natinang nakakahiyang kalagayan nito.”12Ngunit hindi alam ng mga bansang itoang iniisip ng Panginoon.Hindi nila nauunawaan ang aking planona tinipon ko sila upang parusahan,tulad ng mga butil na tiniponpara dalhin sa giikan.13“Mga mamamayan ng Zion,humanda kayoat lipulin ninyo nang lubusanang inyong mga kaawayna parang gumigiik kayo ng trigo.Sapagkat gagawin ko kayong parangmga torong bakana may bakal na mga sungayat tansong mga kuko.Dudurugin ninyo ang maraming bansana nagkaisa upang labanan kayo.At ang mga kayamanang sinamsam nilasa pamamagitan ng pagmamalupitay ihandog ninyo sa akin,ang Panginoon ng buong mundo.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3