Micas3
Sinaway ang mga Pinuno at mga Propeta
1Sinabi ni Micas: “Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Hindi baʼt kayo ang dapat magpatupadng katarungan?2Subalit napopoot kayo sa kabutihanat minamahal ang kasamaan.Binabalatan ninyoang aking mamamayan,tinatanggalan ninyo ng lamanang kanilang mga buto.3Kinakain ninyo ang kanilang laman,inaalisan sila ng balat,Binabali ang kanilang butohanggang magkapira-piraso.Tinatadtad ninyo sila tuladng mga karneng iluluto,mga laman na pakukuluan sa kaldero.4“Sa araw ng pagpaparusa sa inyo,hihingi kayo ng tulong sa Panginoon,ngunit hindi niya kayo tutulungan;itatakwil niya kayodahil sa inyong kasamaang ginagawa.5“Ito namanang sinasabi ng Panginoontungkol sa mga propetang nanlinlangsa kanyang mga mamamayan,na nangangako ng mabuting kalagayansa mga nagpapakain sa kanila,ngunit binabantaan nilang kapahamakanang ayaw magpakain sa kanila:6‘Dahil iniligaw ninyoang aking mga mamamayan,hindi na kayo magkakaroonng mga pangitainat hindi na kayo makapanghuhula.Para kayong nasa dilimna wala kayong makikita.7Mapapahiya kayong mga propetaat manghuhula.Magtatakip kayo ng mukha sa sobrang hiya,dahil wala na kayong natatanggapna mensahe mula sa Diyos.’8Ngunit ako ay pusposng Espiritu ng Panginoonna siyang nagbibigaysa akin ng kapangyarihanupang maipatupad ko ang katarungan,at nagpapalakas ng loob kopara masabi sa mga mamamayanng Israel at Juda na nagkasala sila.9Makinig kayo,mga pinuno ng Israel at Juda!Ayaw ninyong pairalin ang katarunganat binabaluktot ninyo ang katuwiran.10“Itinatayo ninyo ang Zion sa masamang paraan.Handa kayongpumatay maitayo lamang ito.11Humahatol kayong panigsa mga nagbibigay ng suhol sa inyo.At kayong mga pariay nagpapabayad sa pagtuturo.Ganoon din kayong mga propeta,nanghuhula kayo dahil sa pera.Umaasa rin kayong tutulungan kayong Panginoon,dahil ayon sa inyo,‘Kasama namin ang Panginoon.Kaya walang anumangmasamang mangyayari sa amin.’12Kaya dahil sa inyo,wawasakin ang Zion,ang lungsod ng Jerusalem.Magiging katulad ito ng inararong bukid,at magiging buntonng mga gumuhong gusali.At magiging gubat ang bundokna kinatatayuan ng templo.”Biblica, Inc.