Micas2
Ang Hatol Laban sa Mayayamang Mang-aapi
1Nakakaawa kayong mga nagpupuyatsa pagpaplano ng masama;palaging nag-iisip nang hindi mabutikahit na kayoʼy nakahiga.Kinaumagahan ay isinasagawa ninyoang inyong masamang planodahil may kakayahan kayong gawin iyon.2Inaagaw ninyo ang mga bukidat mga bahay na inyong nagugustuhan.Dinadaya ninyo ang mga taoupang makuha ang kanilang bahayo lupaing minana.3Kaya ito ang sinasabing Panginoon, “Makinig kayo!Pinaplano kong parusahan kayoat hindi kayo makakaligtas.Hindi na kayo makapagmamalakidahil sa panahong iyonay lilipulin kayo.4Sa araw na iyon,kukutyain kayo ng mga taosa pamamagitanng malungkot na awitin:‘Lubusan na kaming nalipol!Kinuha ng Panginoonang aming mga lupainat ibinigay sa mga traydor.’ ”5Kaya wala na kayong bahagi sa lupainkapag hahatiin itosa palabunutang mangyayarisa pagpupulong ng bayan ng Panginoon.Mga Bulaang Propeta
6“Huwag na kayong magpropesiya,”sabi ng mga tao.“Ang mga propetaay hindi dapat magpropesiyatungkol sa mga bagay na ito;hindi kami gagawing kahihiyanng Diyos.”7Ito ba dapat ang sinasabi ninyo,kayong lahi ni Jacob?“Hindi mauubosang pasensya ng Panginoonkaya hindi niya gagawin ang mga iyon?”Ito ang sagot ng Panginoon,“Kung sinusundan lang sana ninyoang mga utos ko,matatanggap ninyoang aking mga biyaya.8Ngunit nilulusob ninyoang aking mamamayanna para bang mga kaaway.Akala nila, pag-uwi nila sa kanilang bayanmula sa digmaan ay ligtas na sila,ngunit iyon palaʼy aagawan ninyo silang kanilang balabal.9Pinapalayas ninyo ang kanilang mga kababaihansa mga tahanang minamahal nila.At inaagaw ninyo ang mga pagpapalangibinigay ko sa kanilang mga anak,kaya mawawala na itosa kanila magpakailanman.10Kaya ngayon,umalis na kayo rito!Sapagkat hindi na kayo makakapagpahinga ditodahil itoʼy nadungisanna ng inyong mga kasalanan;nasira na ito at wala nang lunas.11Ang gusto ninyong mangangaralay iyong nangangaralnang walang kabuluhan,manlilinlang at sinungaling,at ganito ang sinasabi:‘Sasagana kayo sa alakat iba pang mga inumin.’ ”Ang Ipinangakong Kaligtasan
12Sinabi ng Panginoon,“Kayong natitirang mga mamamayanng Israel at Juda, titipunin ko kayo gayang mga tupa sa kulungano kawan ng mga hayop sa pastulan.Mapupuno ng mga taoang inyong lupain.13Bubuksan ko ang pintong lungsod na bumihag sa inyo,at pangungunahan ko kayosa inyong paglabas.Ako, ang Panginoon na inyong hari,ang mangunguna sa inyo.”Biblica, Inc.