Micas1

1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Micas na taga-Moreset patungkol sa Samaria at Jerusalem noong mga panahong naghahari sa Juda sina Jotam, Ahaz, at Hezekias.
Sinabi ni Micas:
2“Makinig kayong mabuti,lahat kayong mga mamamayansa buong mundo. Sapagkat sasaksiang Makapangyarihang Panginoonlaban sa inyo mulasa kanyang banal na Templo. 

Ang Hatol Laban sa Israel at Juda

3“Makinig kayo!Lalabas ang Panginoonmula sa kanyang tahanan.Bababa siya at lalakadsa matataas na bahagi ng mundo.4Ang mga bundok na kanyang malalakaranay matutunaw na parang mga kandilana nadikit sa apoy,at magiging lubak-lubak ang mga patagna parang dinaanan ng tubig na umagosmula sa matatarik na lugar.5Mangyayari ang lahat ng itodahil sa mga kasalananng mga mamamayanng Israel at Juda. Ang mga taga-Samariaang nag-udyok sa ibangmga mamamayan ng Israelupang magkasala.At ang mga taga-Jerusalem namanang nag-udyok sa ibangmga mamamayan ng Judaupang sumamba sa mga diyos-diyosan.
6“Kaya gigibain ko ang Samariaat tataniman na lang ito ng mga ubas.Pagugulungin ko ang mga bato nitopapunta sa kapataganhanggang sa makitaang mga pundasyon nito.7Lahat ng diyos-diyosan nitoay madudurog,at ang upa ng mga babaeng bayaransa templo  nito ay masusunog.Wawasakin ko ang mga imahen nito.Sapagkat galing sa upang mga babaeng bayaranang mga handog na naipon,at muling gagamitin bilang upapara sa ibang babaeng bayaran.”

Pagtangis at Pagluluksa

8Dahil sa pagkawasak ng Samaria,iiyak ako at hahagulgol.Maglalakad akonang nakapaa at nakahubad.Aalulong ako tulad ng asong-gubatat tataghoy akong tulad ng kuwago.9Sapagkat ang pagkagiba ng Samariaay parang sugat na hindi na gagaling,at mangyayari din ito sa Judahanggang sa Jerusalemna siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan.10Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat.Huwag kayong tatangiskahit isang patak man lang.Sa Bet-leafra  kayo maglupasay sa abo.11Mga mamamayan ng Shafir,bibihagin kayoat dadalhing nakahubad,kaya mapapahiya kayo.Ang mga mamamayan ng Zaananay matatakot lumabas sa kanilang bayan.Ang mga taga-Bet-ezelay hindi rin makakatulong sa inyodahil sila rin ay umiiyak.12Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali,naghihintay sila ng saklolo,sapagkat dumating na ang kapahamakangmula sa Panginoonat umabot na hanggangsa bungad ng Jerusalem.13Mga mamamayan ng Laquis,isingkaw ninyo ang mga kabayosa karwaheat tumakas kayo.Ginaya ninyo ang kasalanang ginawang mga taga-Israel,at dahil sa inyoʼy nagkasala rinang mga taga-Zion.14Kaya, kayong mga mamamayan ng Juda,magpadala kayong mga regalong pamamaalamsa Moreset-gat.Lilinlangin ng bayan ng Aczibang mga hari ng Israel.15Kayong mga mamamayan ng Maresa,padadalhan kayo ng Panginoon ng kalabang sasakop sa inyo.Mga taga-Juda,  ang inyong mga pinunoay magtatago sa Adulam.16Kukunin sa inyoang pinakamamahalninyong mga anak at dadalhin sa ibang bayan,kaya magluluksa kayo para sa kanilaat ipapakita ninyo ang inyong kalungkutansa pamamagitan ng pagpapakalbona parang ulo ng agila. 

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3