Mga Panaghoy4

1Ang mga mamamayan ng Jerusalemay tulad ng kumupas na gintoo ng mamahaling batona nagkalat sa lansangan.
2Kung katulad ng tunay na gintoang mga anak ng Zion noon,ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayokna gawa sa putik.
3Kahit na ang mga asong-gubatay nagpapasuso ang kanilang mga tuta,ngunit ang aking mga mamamayanay kagaya ng malalaking ibon na malulupit sa kanilang mga inakay.
4Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggolang mga dila nila dahil sa uhaw.Humihingi ng pagkain ang mga batapero walang nagbibigay sa kanila.
5Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap,ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan.Ang mga dating lumaking mayaman,ngayoʼy naghahalungkatng makakain sa mga basurahan.
6Ang parusa sa aking mga kababayanay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodoma,na biglang winasak ng Diyosat ni walang tumulong.
7Ang mga pinuno ng Jerusalem,nooʼy malulusog at malalakas ang katawan.Nakakasilaw ang kanilang kaputiangaya ng nyebe o gatas,at mamula-mula ang kutistulad ng mga mamahaling bato.
8Ngunit ngayon, hindi na sila makilalaat mas maitim pa kaysa sa uling.Mga butoʼt balat na lamang silaat parang kahoy na natuyo.
9Di-hamak na mas mabuti paang mga namatay sa digmaankaysa sa mga namatay sa gutomna unti-unting namataydahil sa walang makain.
10At dahil sa kapahamakang itona nangyari sa aking mga kababayan,ang mga mapagmahal na ina ay napilitang iluto ang sarili nilang mga anakupang kainin dahil sa labis na gutom.
11Ibinuhos ng Panginoon ang matindi niyang poot sa Jerusalem,sinunog niya ito pati na ang pundasyon nito.
12Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundopati na ang kanilang mga nasasakupan,na mapapasok ng mga kaawayang mga pintuan ng Jerusalem.
13Subalit nangyari ito dahil sa kasalananng mga propeta at mga pari nitona pumatay ng mga taong walang kasalanan.
14Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansanganna parang mga bulag.Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit,kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.
15Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo.Huwag nʼyo kaming hipuin.”Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansangunit walang tumanggap sa kanila.
16Ang Panginoon ang siyang nagkalat sa kanilaat hindi na niya sila pinagmalasakitan.Hindi na iginagalang ang mga pariat ang mga tagapamahala.
17Lumalabo na ang aming paninginsa paghihintay ng tulong ng mga kakampi naming bansa,pero hindi sila tumulong sa amin.Sa aming mga tore ay nagbantay kamiat naghintay sa pagdating ng mga bansang itona hindi rin makapagliligtas sa amin.
18Binabantayan ng mga kaawayang aming mga kilos.Hindi na kami makalabas sa mga lansangan.Bilang na ang mga araw namin;malapit na ang aming katapusan.
19Ang mga kaaway na tumutugis sa aminay mas mabilis pa kaysa sa agila.Tinutugis kami sa mga bundokat inaabangan kamisa disyerto para salakayin.
20Nahuli nila ang aming harina hinirang ng Panginoon,ang inaasahan naming magtatanggol sa aminmula sa mga kaaway naming bansa.
21Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edomna nakatira sa lupain ng Uz.Dahil kayo man ay paiinumin dinsa kopa ng parusa ng Panginoon.Malalasing din kayoat malalagay sa kahihiyan.
22Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo.Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoonmula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang kayoʼy bihagin.Ngunit kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoondahil sa inyong mga kasalananat ibubunyag niya ang inyong kasamaan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3