Mga Panaghoy5
1Panginoon, alalahanin po ninyo ang nangyari sa amin.Masdan nʼyo ang aming dinanas na kahihiyan.2Kinuha ng mga dayuhanang aming mga lupaʼt bahay.3Naulila kami sa ama,kaya nabiyuda ang aming mga ina.4Kinakailangang bayaran namin ng pilak ang tubig na aming iniinomat ang kahoy na aming panggatong.5Pinagtatrabaho kaming parang mga hayopat hindi man lang pinagpapahinga.6Nagpasakop kami sa mga taga-Ehipto at Asiriapara magkaroon ng pagkain.7Ang aming mga ninunoʼy nagkasala,ngunit silaʼy pumanaw naat kami ang nagdurusa ng parusang dapat ay para sa kanila.8Napailalim kami sa mga alipinat walang makapagligtas sa aminmula sa kanilang mga kamay.9Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhaysapagkat laganap ang karahasan sa mga ilang.10Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom,at ang aming katawan ay kasing-init ng pugon.11Pinagsamantalahan ang aming mga asawa sa Jerusalemat ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng Juda.12Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahalaat hindi iginalang ang aming matatanda.13Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilinganat ang mga batang lalaki ay susuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy.14Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod upang magbigay ng payoat ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika.15Wala na kaming kagalakan.Sa halip na magsayaw, kamiʼy nagdadalamhati.16Wala na rin kaming karangalan.Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala.17Dahil dito, nasasaktan ang aming damdaminat nagdidilim ang aming paningin.18Dahil napakalungkot na ng Jerusalemat mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.19O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman.Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.20Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan?Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan?21Ibalik nʼyo kami sa inyo, Panginoon,at kami ay magbabalik katulad noong una.Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan.22Talaga bang sobra na ang galit ninyo sa aminkaya itinakwil nʼyo na kami?
Biblica, Inc.