Mga Panaghoy3
1Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoondahil sa kanyang galit.2Pinalayas niya ako at pinalakadsa dilim sa halip na sa liwanag.3Paulit-ulit niya akong pinarusahanaraw at gabi.4Pinahina ang aking katawanat binali ang aking mga buto.5Sinalakay niya ako at ibinilanggosa paghihirap at pagdurusa.6Inilagay sa kadilimanna parang isang tao na matagal nang patay.7Kinadena niya ako at ikinulongupang hindi makatakas.8Kahit na humingi ako ng tulong,hindi niya ako pinakinggan.9Hinarangan niya ng pader na bato ang aking landas,at pinaliku-liko ang aking dadaanan.10Para siyang oso o leon na nag-aabangpara salakayin ako.11Kinaladkad ako palayo sa daanat pagkatapos ay nilapa at iniwan.12Iniumang niya ang kanyang panaat itinutok sa akin.13Pinana niya akoat tumagos ito sa puso ko.14Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi.Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya.15Pinuno niya ako ng labis na kapaitanat binigyan ng inuming may lason.16Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba,at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa.17Inalis niya ako sa maganda kong kalagayanat hindi ko na naranasan ang kasaganaan.18Nawala na ang karangalan koat lahat ng pag-asa sa Panginoon.19Napakasakit isipin ang mga paghihirapat pagdurusa kong tulad ng mapait na lason.20At kung palagi ko itong iisipin,manghihina ako.21Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asasapagkat aking naalala:22Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoonay walang katapusankaya hindi tayo tuluyang nalipol.23Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.Dakila ang katapatan ng Panginoon!24Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin,kaya sa kanya ako nagtitiwala.”25Mabuti ang Panginoonsa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.26Mabuting matiyagang maghintaysa pagliligtas ng Panginoon.27Mabuti para sa isang tao na kahit bata paay matuto nang makipamatok at sumunod.28Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon,tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.29Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoonat huwag mawalan ng pag-asa.30Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila.At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway.31Dahil hindi tayo itatakwilng Panginoon magpakailanman.32Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habagat ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin.33Dahil hindi siya natutuwana tayoʼy saktan o pahirapan.34Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo,35o balewalain ang karapatan ng tao.36Ayaw din ng Kataas-taasang Diyosna ipagkait ang katarungan sa sinumang tao.Nakikita niya ang lahat ng ito.37Walang anumang bagay na nangyayarina hindi pinahihintulutan ng Panginoon.38Hindi baʼt ang Kataas-taasang Diyos ang nagpapasyakung mangyayari ang isang bagay,mabuti man ito o masama?39Kaya bakit tayong mga taoʼy magrereklamokung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan?40Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhayat magbalik-loob sa Panginoon.41Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin:42“Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo,at hindi nʼyo kami pinatawad.43“Nagalit kayo sa amin at inusig kamiat walang awang pinatay.44Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sariliupang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin.45Ginawa nʼyo kaming parang basurasa paningin ng ibaʼt ibang bansa.46“Kinutya kami ng lahatng aming mga kaaway.47Dumanas kami ng matinding takot, panganib,pagkasira at kapahamakan.”48Napaluha akodahil sa kapahamakangsinapit ng aking mga kalahi.49Patuloy akong iiyak,at dadaloy ang aking luha nang walang tigil,50hanggang sa tumunghayang Panginoon mula sa langit.51Labis akong nasaktan sa sinapitng mga kababaihan ng aking lungsod.52Hinahabol ako ng aking mga kaawayna parang isang ibon,kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila.53Sinubukan nila akong patayinsa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon.54Halos malunod na akoat ang akala koʼy mamamatay na ako.55Doon sa ilalim ng balon,tumawag ako sa inyo Panginoon.56Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa koat paghingi ng tulong.57Dumating kayo nang akoʼy tumawagat sinabi ninyong huwag akong matakot.58Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon,at iniligtas nʼyo ang aking buhay.59Panginoon, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway,kaya bigyan ninyo ako ng katarungan.60Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihanat ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.61Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang kanilang mga pangungutyaat alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.62Buong araw nilang pinag-uusapanang pinaplano nilang masama laban sa akin.63Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo,kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit.64Panginoon, parusahan nʼyo silaayon sa kanilang ginagawa.65Patigasin nʼyo ang mga puso nilaat sumpain nʼyo sila.66Sa galit nʼyo Panginoon, habulin nʼyo silaat lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.
Biblica, Inc.