Mga Panaghoy2
1Sa galit ng Panginoon,tinakpan niyang makapal na ulap ang Jerusalem. Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel,na parang itinapon mula sa langitpapunta sa lupa.At dahil sa kanyang galit,pinabayaan niya ang kanyang templosa Jerusalem.2Walang awa ring sinira ng Panginoonang lahat ng tahanan sa Israel.Sa galit niyaʼy giniba niyaang mga pader na nakapalibot sa Juda.Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyanang kaharian pati na ang mga pinuno nito.3Sa tindi ng kanyang poot,inalis niyaang lahat ng kapangyarihan ng Israel.Hindi niya ito tinulungannang salakayin ng mga kaaway.Para siyang apoy na tumutupoksa mga lahi ng Israelat sa lahat ng bagay sa paligid nito.4Iniumang niya ang kanyang panasa kanyang mga mamamayanna naging parang mga kaaway niya.Pinatay ang lahat ng ipinagmamalakinitong mga mamamayan.Ibinuhos niya ang kanyang matinding galitna parang apoy sa mga mamamayanng Jerusalem.5Winasak ng Panginoon ang Israelna parang isang kaaway.Sinira niya ang lahat ng mga padersa bayan at mga palasyo.Dinagdagan ang pagdadalamhatiat pag-iyak ni Juda.6Winasak niya ang templona parang isang halamanan lang.Binura ng Panginoonsa alaala ng mga taga-Zionang itinakdang mga pistaat ang Araw ng Pamamahinga.Sa kanyang matinding galit,itinakwil niya ang hari at mga pari.7Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at Templo.Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nitoat nagsigawan ang mga itosa Templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.8Nagpasya ang Panginoonna wasakin ang mga pader ng Jerusalem.Sinukat niya ang mga itoat isinakatuparan ang kanyang plano.Kaya ang mga muog at pader ay tuluyang nagiba;sama-samang nanlupaypay na.9Bumagsak sa lupaang mga pintuang-bayan ng Jerusalem.Sinira at binali ng Panginoonang mga saraduhan nito.Binihag ang hari at mga pinunoat dinala sa malayong mga bansa.Hindi na rin itinuturo ang kautusanat wala na ring mensahe o pangitainang Panginoon sa kanyang mga propeta.10Ang mga tagapamahala ng Jerusalemay tahimik na nakaupo sa lupa;naglagay sila ng abo sa kanilang uloat nagdamit ng sako upang magluksa.Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nakatirapa,nakatungo ang mga ulo sa lupa.11Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak.Labis na nababagabagat parang sasabog na ang aking dibdibdahil sa kapahamakang sinapitng aking mga kalahi.Nawalan ng malay sa mga lansanganang mga bata at mga sanggol.12Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkainat maiinom sa kanilang mga ina.Nawalan sila ng malay tuladng mga sugatang sundalosa mga lansangan ng lungsodhanggang sa unti-unting mamataysa kanlungan ng kanilang ina.13O Jerusalem, ano pa bang masasabi ko sa iyo?Saan pa ba kita maihahambing?Kasinlalim ng dagat ang iyong sugat.Paano kita maaaliw?Sino ang makapagpapagaling sa iyo?14Ang pangitaing nakita ng iyong mga propetaay hindi totoo, walang kabuluhanat mapanlinlang.Ang mga kasalanan moʼy hindi nilainihayag sa iyoupang hindi kayo mabihag.15Ang lahat ng dumadaaʼy pumapalakpak,sumusutsot at nangungutya.Sinasabi nila sa Jerusalem,“Ito ba ang lungsod na sinasabing‘Pinakamaganda at kagalakanng buong mundo?’ ”16Kinukutya ka ng lahat ng kaaway mo.Sumusutsot at pinangangalitang kanilang mga ngipinat sinasabing na patutya,“Tuluyan na nating nawasak ang Jerusalem!Ito na ang araw na ating pinakahihintay.At ngayon ngaʼy nakita na natin ito!”17Ginawa ng Panginoonang kanyang plano.Tinupad niya ang sinabi niya noon.Walang awa ka niyang giniba, O Jerusalem!Binigyan niya ng kagalakanang iyong mga kaawayat hinayaan silang ipagyabangang kanilang kapangyarihan.18Mga taga-Jerusalem,tumawag kayo sa Panginoon.Umiyak kayo araw at gabiat paagusin ang inyongmga luha na parang ilog.Huwag kayong tumigil sa pag-iyak.19Bumangon kayo sa gabiat humingi ng tulong sa Panginoon.Ibuhos ninyo sa kanya ang lamanng inyong mga puso,na para kayong nagbubuhos ng tubig.Itaas ninyo ang inyong mga kamaysa pananalanginpara sa inyong mga anakna nawawalan ng malaysa mga lansangan dahil sa gutom.20Masdan po ninyo kami Panginoon.Isipin nʼyo kung sinoang pinaparusahan nʼyo ng ganito.Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga inaang mga kanilang anakna kanilang inaalagaan.Ang mga pari at ang mga propetaay pinapatay sa Templo ng Panginoon.21Nakahambalang sa mga lansanganang mga bangkay ng mga bataat matatanda.Namamatay sa digmaanang mga kabataang lalaki at babae.Sa inyong galit,walang habag ninyo silang pinatay.22Inanyayahan ninyo ang mga kaawayupang akoʼy salakayinsa lahat ng panig,na para kayong nang-iimbitasa kanila sa pista.Sa araw ng paghatol ng Panginoon,walang nakatakaso natirang buháy.Pinatay ng aking mga kaawayang aking mga anak na isinilangat pinalaki.
Biblica, Inc.