Mga Panaghoy1
1Napakalungkot na sa Jerusalem na datiay puno ng mga tao.Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo,ngayoʼy naging tulad ng isang biyuda.Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod,ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad.2Buong pait siyang umiiyak sa magdamag.Ang mga luha niyaʼy dumadaloysa kanyang mga pisngi.Walang dumamay sa kanyakahit isa mansa kanyang mga minamahal. Siyaʼy pinagtaksilanng lahat ng kanyang kaibigan,na ngayoʼy kanyang naging mga kaaway.3Lubhang pinahirapan ang Judaat ang mga mamamayan niyaʼy binihag.Doon na sila nakatira sa ibang bansakung saan silaʼy inalipin.Tinugis sila ng kanilang mga kaawayhanggang hindi na sila makatakas.4Ang mga daan patungo sa Zionay puno na ng kalungkutan,dahil wala nang dumadalosa mga itinakdang pista.Sa mga pintuang-bayanay wala na ring mga tao.Ang mga pari ay dumadaing,at ang mga dalaga ay nagdadalamhati.Napakapait ng sinapit ng Jerusalem.5Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway,at yumaman ang mga ito.Sapagkat pinahirapanng Panginoon ang Jerusalemdahil napakarami nitong kasalanan.Ang kanyang mga mamamayanay binihag ng mga kaaway.6Ang kagandahan ng Zion ay naglaho na.Ang kanyang mga pinunoay parang mga gutom na usana naghahanap ng pastulan.Silaʼy nanghihina na habang tumatakassa mga tumutugis sa kanila.7Ngayong ang Jerusalemay nagdadalamhati at naguguluhan,naalala niya ang lahatng dati niyang kayamanan.Nang mahulog siyasa kamay ng kanyang mga kaaway,walang sinumang tumulong sa kanya.At nang siyaʼy bumagsak,kinutyaʼt tinawanan pa siyang kanyang mga kaaway.8Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem,kaya naging marumi siya.Ang lahat ng pumupuri noon sa kanyangayoʼy hinahamak na siya,dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod.9Nabunyag sa lahat ang kanyang karumihan,at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan.Malagim ang kanyang naging pagbagsak,at walang sinumang tumutulong sa kanya.Kaya sinabi niya, “O Panginoon,tingnan po ninyo ang aking paghihirap,dahil akoʼy nilupig ng aking mga kaaway.”10Ang mga kaaway niyaʼy ninakawang lahat ng kanyang kayamanan.At nakita niyang pumasoksa banal na Temploang mga bansang pagano,silang mga ipinagbawal mona pumasok sa iyong santuwaryo.11Ang mga mamamayan niyaʼy dumadainghabang naghahanap ng pagkain.Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamananpara sa pagkain upang mabuhay.Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon,pagmasdan po ninyosapagkat akoʼy nasa kahihiyan.”12Sinabi rin niya sa mga dumaraan,“Balewala lang ba ito sa inyo?May nakita ba kayong naghirapna kagaya ko?Ang paghihirap na itoay ipinataw sa akin ng Panginoonnang magalit siya sa akin.13“Mula sa langit, nagpadala siya ng apoyna tila sumusunog sa aking mga buto.Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paakaya akoʼy napaatras.Iniwan niya akong wasakat nanghihina buong maghapon.14“Itinali ang aking mga kasalananat ginawang pamatok;sariling kamay niya ang naghabi nito.Inilagay niya ito sa aking batok,at inubos ang aking lakas.Ako ay ibinigay sa kamayng mga taong hindi ko kayang labanan.15“Itinakwil ng Panginoonang lahat ng aking mga kawal.Tinipon niya ang aking mga kaawayupang lipulinang aking mga kabataang sundalo.Ang mga mamamayan ng Judaay naging tulad ng ubasna inilagay ng Panginoon sa pisaanat tinapak-tapakan.16“Iyan ang dahilankung bakit akoʼy umiiyak,at dumadaloy ang luhasa aking mga mata.Walang nagpapalakas sa akinni walang umaalo.Nakakaawa ang aking mga mamamayandahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”17Humingi ng tulong ang Jerusalempero walang tumulong sa kanya.Sapagkat niloob ng Panginoonna makaaway ng lahi ni Jacobang mga bansa sa palibot niya.Itinuring nila ang Jerusalemna napakaruming basahan ang Jerusalemat dapat nang itapon.18“Matuwid ang Panginoon,ngunit hindi ko sinunodang kanyang mga utos.Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo akoat tingnan ang aking paghihirap.Ang mga kabataan kong babae at lalakiay dinala sa malayong lupain at binihag.19“Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampingunit pinagtaksilan nila ako.Namatay ang aking mga pariat ang mga tagapamahala ng lungsodhabang naghahanap ng pagkainpara mabuhay.20“Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan!Nagdurusa ang aking kaloobanat parang pinipiga ang puso ko,sapagkat naghihimagsik ako sa inyo.Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansanganpati na sa loob ng aking tahanan.21“Narinig ng mga tao ang pagdaing kongunit wala kahit isang umaalo sa akin.Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirapat natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin.Dumating na sana ang arawna ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila,upang maging katulad ko rin sila.22“Masdan ninyo ang lahat ng kasamaang ginagawa nila;parusahan nʼyo sila tulad ng pagpaparusa nʼyo sa akindahil sa lahat ng aking kasalanan.Paulit-ulit akong dumadaingat parang mawawalan na ako ng malay.”
Biblica, Inc.