Joel3

Hahatulan ang mga Bansa

1“Sa panahong iyonna ibabalik koang kasaganaanng Juda at Jerusalem, 2titipunin ko ang mga bansaat dadalhin ko silasa Lambak ni Jehoshafat. Doon ko sila hahatulandahil sa kanilang ginawasa mga Israelitana aking mamamayan na pag-aari ko.Ikinalat nila ang mga Israelitasa ibaʼt ibang bansaat pinaghati-hatian ang aking lupain.3Nagpalabunutan silaupang paghati-hatianang aking mga mamamayan,at ipinagbili nila bilang alipinang mga batang lalaki at babae,upang ibili ng alak at ibayadsa babaeng bayaran.
4“Kayong mga taga-Tiro, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa. 5Sapagkat kinuha ninyo ang aking mga ginto at pilak at iba pang mamahaling bagay at dinala ninyo ito doon sa inyong mga templo.6Ipinagbili ninyo sa mga Griyego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan.
7“Ngunit tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila.8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea na nakatira sa malayong lugar. Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”9“Ipahayag mo ito sa mga bansa:Humanda kayo sa pakikipagdigma!Tawagin ninyo ang mga sundaloupang sumalakay.10Gawin ninyong mga espadaang sudsod ng inyong mga araroat gawin ninyong mga sibatang inyong mga panggapas.Sasabihin ng mahina,‘Ako ay malakas.’11Pumarito kayo, lahat kayongmga bansang nasa paligid,at magtipon kayo doonsa Lambak ni Jehoshafat.“Panginoon, pasulungin ninyoang inyong mga mandirigma! 
12“Udyukin ang mga bansana pumunta sa Lambakni Jehoshafat.Doon, ako, ang Panginoon ay uupoupang silaʼy hatulan.13Para silang mga aanihinna kailangan nang gapasindahil hinog na,o parang ubas na kailangannang pisaindahil puno nang ubas ang pisaan.Ubod sila ng sama;ang kanilang kasalananay parang alakna umaapaw sa sisidlan nito.”
14Napakaraming tao ang naroonsa Lambak ng Paghatol,dahil malapit nang dumatingang araw ng paghatolng Panginoon.15Magdidilim ang arawat ang buwan,at hindi na magliliwanagang mga bituin.16Aatungal na parang leonang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinigmula sa Jerusalem.Kaya mayayanig ang lupa at langit.Ngunit ang Panginoonang matibay na kanlunganpara sa mga Israelitana kanyang mamamayan.

Pagpapala para sa mga Mamamayan ng Diyos

17“Malalaman ninyongmga taga-Juda na ako,ang Panginoonna inyong Diyos,ay nananahan sa Zion,ang aking banal na bundok.Magiging banal muli ang Jerusalem;hindi na ito muling lulusubinng ibang bansa.
18“Sa panahong iyon,pagpapalain ko kayo.Magiging saganaang inyong bagong alakna mula sa maraming ubassa mga bundok.Magiging sagana rin ang inyong gatasmula sa maraming bakaat kambingna nanginginain sa mga burol.At hindi na matutuyuanang inyong mga sapa at ilog.At may bukal mulasa templo ng Panginoonna dadaloy sa lambakna may mga punong akasya. 19Ang Ehipto ay magiginglugar na tiwangwangat ang Edom ay magiging ilang,dahil pinagmalupitan nilaang mga taga-Juda;pinatay nila ang mga taongwalang kasalanan.20Ngunit ang Juda at ang Jerusalemay titirhan magpakailanman.21Hahayaan ko na lamang bang dumanakang inosenteng dugoat hindi ako maghihiganti?Hindi ako papayag!  ”Nananahan ang Panginoon sa Zion.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3