Joel2
Ang Pagsalakay ng mga Balang
1Hipan ninyo ang trumpeta;bigyang babala ang mga tao sa Zion, ang banal na bundok ng Panginoon.Lahat kayong nakatira sa Juda,manginig kayo sa takot,dahil malapit na ang arawng paghatol ng Panginoon.2Magiging maulap at madilim ang araw na iyon.Kakalat ang napakaraming balang sa mga kabundukan na parang sinag ng arawkapag nagbubukang-liwayway.Wala pang nangyaring kagaya nito noon,at hindi na mangyayariang katulad nito kahit kailan.3Sunod-sunod na sumalakayang mga balang na parang apoy. Bago sila dumatingang lupain ay parang halamanan ng Eden.Ngunit nang masalakay na nila,para na itong disyerto.Wala silang halamang itinira.4Parang kabayo ang kanilang anyo,at kasimbilis sila ng mga kabayong pandigma.5Ang ingay ng kanilang pagluksosa ibabaw ng mga bundokay parang mga karwaheng tumatakboat parang ingay ng nasusunog na dayami.Tulad sila ng makapangyarihang hukbona handang makipagdigma.6Ang mga taong makakakita sa kanilaay mamumutla sa takot.7Sumasalakay silaat umaakyat sa mga paderna parang mga sundalo.Diretso ang kanilang paglakadat hindi lumilihis sa kanilang dinadaanan.8Hindi sila nagtutulakan,at kahit makasalubong nilaang mga sandata ng kaaway,hindi sila naghihiwa-hiwalay.9Sinasalakay nila ang lungsodat inaakyat ang mga pader nito.Inaakyat nila ang mga bahayat pumapasok sa mga bintanana parang magnanakaw.10Nayayanig ang lupaat ang langit sa kanilang pagdating.At nagdidilim ang araw at ang buwan,at nawawalan ng liwanag ang mga bituin.11Dumadagundong ang sigawng Panginoonhabang pinamumunuanang kanyang hukbo;lubhang napakaraming kanyang mga sundalo,at makapangyarihan angmga sumusunod sa kanyang utos.Dakila ang araw ng paghatolng Panginoon;itoʼy sadyang kakila-kilabot.Sino ang makakatiis nito?Ang Panawagang Manumbalik sa Diyos
12Sinabi ng Panginoon,“Gayunman, magbalik-loob kayo sa akinnang buong puso,may pag-aayuno,pananangis at pagdadalamhati.”13Magsisi kayo nang buong pusoat hindi pakitang-tao lamangtulad ng pagpunit ninyong inyong mga damit.Magbalik-loob kayo sa Panginoonna inyong Diyos,sapagkat siyaʼy mahabaginat mapagmalasakit,hindi madaling magalitat wagas ang pag-ibig.Naghuhunos-dili siyaat hindi itinutuloy ang kanyang parusa.14Baka sakaling magbago ang isipng Panginoon na inyong Diyosat pagpalain kayo ng masaganang ani,upang makapaghandog kayo sa kanyang mga butil at inumin.15Hipan ninyo ang trumpeta sa Zionat ipaalam sa mga taona magtipon sila at mag-ayuno.16Gawin ninyo ang seremonya ng paglilinisat magtipon kayong lahat,bata at matanda,pati mga sanggolat maging ang mga bagong kasal.17Hayaan ang mga pari na naglilingkodsa harapan ng Panginoonna umiyak sa pagitan ng altarat balkonahe ng templo.Manalangin sila ng ganito:“Panginoon, mahabag po kayosa inyong bayan.Huwag ninyong payagan na silaʼy hiyainat sakupin ng ibang bansa na nagsasabi,‘Nasaan ang kanilang Diyos?’ ”Pagpapalain ng Panginoon ang Juda
18Nagmamalasakit ang Panginoonsa kanyang bayanat naaawa siya sa kanyang mga mamamayan.19Sumagot ang Panginoon sa kanila,“Bibigyan ko kayo ng mga butil,bagong alak, at langis,at mabubusog kayo.Hindi ko papayagang hiyain kayong ibang bansa.20“Palalayasin ko ang mga sasalakay sa inyomula sa hilaga at itataboy ko silasa disyerto.Itataboy ko ang unang pulutong nilasa Dagat na Patay at ang huling pulutong ay itataboy kosa Dagat ng Mediteraneo. At aalingasawang kanilang mga bangkay.”Tunay na kamangha-manghaang ginawa ng Panginoon.21Hindi dapat matakotang lupain ng Juda,sa halip dapat itong magalakdahil sa kamangha-manghang ginawang Panginoon.22Huwag matakot ang mga hayop,dahil luntian na ang mga pastulanat namumunga na ang mga punongkahoy,pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas.23Magalak kayong mga taga-Zion,sa ginawa sa inyo ng Panginoonna inyong Diyos.Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulanat nasundan pa ito gaya ng datiupang ipakita na matuwid siya.24Mapupuno ng butil ang mga giikan,at aapaw ang bagong alakat langis sa mga pisaan nito.25Sapagkat sinasabi ng Panginoon,“Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyonoong mga panahong sinalakayang inyong mga pananimng sunod-sunod na pulutongng mga balang na iyon.Ako ang nagpadala sa inyong napakalaking pulutong ng mga balang.26Magkakaroon na kayo ngayonng saganang pagkainat lubusang mabubusog.At dahil dito, pupurihin ninyo ako,ang Panginoonna inyong Diyos,na gumawa ng mga kamangha-manghangbagay na iyon.At kayong aking mga mamamayanay hindi na mapapahiya kailanman.27Malalaman ninyong akoʼy sumasainyona mga taga-Israel,at ako lamang ang Panginoonna inyong Diyosat wala nang iba pa.Kayong aking mga mamamayanay hindi na mapapahiya kailanman.Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon
28“At pagkatapos, ibibigay koang aking Espiritu sa lahat ng tao.Ang inyong mga anak na lalaki at babaeay magpapahayag ng mga propesiya.Ang inyong matatandang lalakiay mananaginip,at ang inyong mga binataay makakakita ng mga pangitain.29Sa mga araw na iyon,ibibigay ko rin ang aking Espiritusa mga utusang lalaki at babae.30Magpapakita ako ng mga himalasa langit at sa lupa:May makikitang dugo, apoy,at makapal na usok.31Magdidilim ang arawat magkukulay-dugo ang buwan.Mangyayari ito bago dumatingang kamangha-manghang arawng paghuhukom ng Panginoon.32Ang sinumang hihinging tulong sa Panginoonay maliligtas sa parusang darating.Sapagkat ayon sa sinabi ng Panginoon,may matitirang mga Israelitasa Bundok ng Zion, ang Jerusalem.Sila ang mga pinili ng Panginoonna maliligtas.Biblica, Inc.