Amos1

1Ito ang mga pahayag ni Amos na isa sa mga pastol ng kawan ng tupa sa bayan ng Tekoa. Ang mga pangitaing ito tungkol sa Israel ay ipinakita sa kanya noong panahon na si Uzias ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari ng Israel, dalawang taon bago lumindol.
2Sinabi ni Amos:“Umaatungal ang Panginoonmula sa Zion; dumadagundong ang tinig niyamula sa Jerusalem.Dahil dito natutuyo ang mga pastulanng mga pastolat nalalanta ang mga tanimsa tuktok ng Bundok ng Carmel.”

Ang Hatol sa mga Karatig-bansa ng Israel

3Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Siria:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Damasco, parurusahan ko sila.Sapagkat pinagmalupitan nilaang mga taga-Gileadna parang giniik ng tablana may mga ngiping bakal sa ilalim.4Kaya susunugin koang palasyo ni Haring Hazaelat ang matitibay na bahagi ng Damascona ipinagawa ng anak niyangsi Haring Ben-hadad.5Wawasakin ko ang pintuan ng Damascoat papatayin ko ang pinunong Lambak ng Aven at ng Bet-eden. Bibihagin at dadalhin sa Kirang mga mamamayan ng Siria. Ako, ang Panginoon,ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Filistia

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga taga-Gaza, parurusahan ko sila.Sapagkat binihag nilaang lahat ng naninirahansa mga bayanat ipinagbili bilang mga alipinsa Edom.7Kaya susunugin koang mga pader  ng Gazaat ang matitibayna bahagi ng lungsod na ito.8Lilipulin ko ang mga pinunong Asdod at ng Ashkelon,at parurusahan koang mga taga-Ekron.At ang mga Filisteong makakatakas sa parusaay mamamatay din.Ako, ang Makapangyarihang Panginoon,ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Tiro

9Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tiro:“Dahil sa paulit-ulitna pagkakasala ng mga taga-Tiro,parurusahan ko sila.Sapagkat ipinagbili nilaang lahat ng naninirahansa mga bayanbilang mga alipin sa Edom.Hindi nila sinunodang kanilang kasunduang pangkapatiransa mga mamamayang ito.10Kaya susunugin koang mga pader ng Tiroat ang matitibay na bahaging lungsod nito.”

Ang Parusa sa Bansang Edom

11Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga taga-Edom,parurusahan ko sila.Sapagkat tinugis nilaang kanilang mga kamag-anak na mga Israelitaat walang awang pinatay.Hinding-hindi mawawalaang kanilang galit sa mga Israelita.12Kaya susunugin ko ang Temanat ang matitibay na bahagi ng Bosra.” 

Ang Parusa sa Bansang Amon

13Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Amon:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga Amonita,parurusahan ko sila.Sapagkat nilaslas nila ang tiyanng mga buntis sa Gileadnang salakayin nila ito,upang mapalawak ang kanilang lupain.14Kaya susunugin koang mga pader ng Rabba at ang matitibayna bahagi ng lungsod na itohabang nagsisigawanang mga kaawayna sumasalakay sa kanila,na parang umuugong na bagyo.15At bibihagin ang hari ng Amongayon din ang kanyang mga opisyal,”sabi ng Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3