Joel1

1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Joel na anak ni Petuel.

Ang Paglusob ng mga Balang

2Kayong mga tagapamahala ng Juda,makinig kayo;lahat ng nakatira sa lupaing ito,dinggin ninyo ang sasabihin ko.May nangyari na bang katulad nitosa panahon ninyoo sa panahon ng inyong mga ninuno?3Kailangang isalaysay itosa bawat henerasyon ng inyong lahi.4Sunod-sunod na sumalakayang mga pulutong ng balang.Ang mga naiwang tanimna hindi naubos ng unang pulutongay kinain ng sumunod na pulutonghanggang sa naubos ang mga tanim. 
5Kayong mga lasenggo,bumangon kayoat umiyak nang malakas!Sapagkat wala na kayong maiinom;wala nang bunga ang mga ubasna gagawing alak.6Ang lupain ng Panginoon ay sinalakay ng napakaraming balang. Matatalas ang kanilang mga ngipintulad ng mga pangil ng leon.7Sinira nila ang mga tanimna ubas ng Panginoonat ang kanyang mga puno ng igos.Nginatngat nila ang mga balat nitohanggang sa mamuti ang mga sanga.
8Magluksa kayo katulad ng isang dalaga na nakadamit ng sako; umiiyak dahil namatayanng mapapangasawa.9Sapagkat wala nang butil o inuminna maihahandogsa templo ng Panginoon,kaya nagluluksa ang mga paringnaglilingkod sa kanya.10Nasalanta ang mga bukirinna parang taong nagdadalamhati.Nasira na ang mga trigo,at wala na ang katas ng ubas at langis.
11Kayong mga magsasaka,dapat kayong malungkot!Kayong mga tagapangalaga ng ubasan,umiyak kayo nang malakas!Sapagkat nasira ang aanihingmga trigo at sebada.12Nalanta ang mga tanim na ubasat ang lahat ng puno,pati na ang mga igos,pomegranata, palma, at mansanas.Tuluyan nang nawalaang kaligayahan ng mga tao.

Panawagan ng Pagsisisi

13Kayong mga paring naglilingkodsa altar ng aking Diyos,magsuot kayo ng sakoat pumunta sa temploat umiyak buong magdamag.Sapagkat wala nang butil o inuminna ihahandogsa templo ng inyong Diyos.14Sabihin ninyo sa mga tagapamahala ng Judaat sa lahat ng kanyang mamamayanna pumunta silang lahat sa templong Panginoon na inyong Diyosat mag-ayuno.Humingi sila ng tulongsa Panginoon.
15Naku! Malapit na ang arawng paghatol ng Panginoon.Darating ito mula sa Makapangyarihanat magdadala ng kapahamakan.
16Nakita natin mismo kung paano tayonawalan ng pagkainat kung paano nawala ang kagalakansa Templo ng Diyos.17Namatay ang mga binhi sa tigang na lupa.At dahil natuyo ang mga butil,wala nang laman ang mga bodega,kaya nagiba na lamang ang mga ito.18Umaatungal ang kawan ng hayopdahil sa gutom.Gumagala ang mga bakana naghahanap ng makakain,pati ang mga tupa ay nagdurusa.
19Panginoon, nananawagan poako sa inyo,dahil natuyo na ang mga pastulanat ang lahat ng punongkahoy sa bukirin,na parang nilamon ng apoy.20Maging ang mga hayop sa gubatay dumadaing sa inyo,dahil tuyong-tuyo naang mga ilog at mga sapa,at tuyo na rin ang mga pastulan,na parang nilamon ng apoy.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3