Hoseas14
Pagpapala ang Dala ng Pagsisisi
1Sinabi ni Hoseas:“Mga taga-Israel,magbalik-loob na kayosa Panginoonna inyong Diyos.Napahamak kayodahil sa inyong kasalanan.2Magbalik-loob na kayosa Panginoonat sabihin ninyo sa kanya,‘Patawarin nʼyo po kamisa aming mga kasalanan.Tanggapin nʼyo po kami ayonsa inyong kabutihanupang makapaghandog kamisa inyo ng pagpupuri.3Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiriaat hindi na rin kami aasasa mga kabayong pandigma.Hindi na rin namin tatawaginna aming Diyosang mga diyos-diyosang ginawa namin.Sapagkat kinaawaan nʼyo po kamina parang mga ulila.’ ”4Sinabi ng Panginoon,“Pagagalingin ko ang akingmga mamamayanmula sa kanilang pagkamasuwayinat taos-puso ko silang mamahalin.Sapagkat nawala naang galit ko sa kanila.5Pagpapalain ko ang mga taga-Israel;akoʼy magiging parang hamog sa kanilana nagbibigayng tubig sa mga halaman.Sila ay lalago tuladng liryong namumulaklak.Sila ay magiging matatag tuladng puno ng sedrosa Lebanon na malalim ang ugat.6Sila ay dadamina parang mga sangangnagkakadahon nang mayabong.Silaʼy magiging tanyagtulad ng magandang puno ng oliboat ng mabangong puno ng sedrong Lebanon.7Muli silang maninirahanna kinakalinga ko.Sila ay uunlad na parangtrigong yumayabongo ubas na namumulaklak.At magiging tanyag silana gaya ng alak ng Lebanon.8“Mga taga-Israel, lumayo na kayosa mga diyos-diyosan.Ako ang tutugon sa inyong mga dalanginat ako ang kakalinga sa inyo.Ipagtatanggol ko kayo;akoʼy magiging tuladng mayabong na puno ng sipres,na magbibigay ng lilim.Ako ang nagpapaunlad sa inyo.” 9Nawaʼy malaman at maintindihanng may pang-unawaang mga nakasulat dito.Tama ang mga pamamaraanng Panginoonat sinusunod ito ng mga matuwid,ngunit nagiging katitisuran itosa mga suwail.Biblica, Inc.