Job9
Sumagot si Job
1Sumagot si Job,2“Totoo ang sinabi mo.Ngunit paano mapapatunayan ng taona wala siyang kasalanansa harapan ng Diyos?3Kahit na makipagtalo pa siyasa Diyos sa hukuman,wala siyang magagawa,dahil sa isang libong katanungan ng Diyos,hindi niya masasagot isa man sa mga ito.4Marunong at makapangyarihan ang Diyos.Sino ang nakipaglaban sa kanyaat nagtagumpay?5Walang ano-anoʼy pinauuga niyaang mga bundokat natitibag itosa tindi ng kanyang galit.6Niyayanig niya ang lupaat ang mga pundasyon nito ay nauuga.7Kapag inutusan niya ang arawo ang mga bituin,hindi ito sisikat o magbibigay ng liwanag.8Tanging siya lamangang nakapaglalatag ng langitat nakapagpapatigil ng alon.9Siya ang manlilikhang grupo ng mga bituinna tinatawag na Oso, Orion, Pleyades,at mga bituin sa katimugan.10Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagayat mga himalang hindi kayang unawain at bilangin.11Kapag dumadaan siya sa tabi ko,hindi ko siya nakikita o nararamdaman.12Kung may gusto siyang kunin,walang makakapigil sa kanya.At sino ang makakapagreklamosa mga ginagawa niya?13Hindi pinipigil ng Diyos ang kanyang galit.Kahit ang mga katulong ni Rahab,na halimaw sa dagat,ay yumuyukod sa takot sa kanya.14“Kaya papaano ko ipagtatanggolang sarili ko sa Diyos?Ano ang mga salitangmaaari kong gamitinupang makipagtalo sa kanya?15Kahit na wala akong kasalanan,hindi ko maipagtatanggolang sarili ko.Ang magagawa ko lamangay magmakaawa sa Diyosna aking Hukom.16Kahit hilingin kong magkausap kamiat pumayag siya,hindi pa rin niya ako pakikinggan ni paniniwalaan.17Sapagkat pinapahirapan niya akona parang sinasalanta ng bagyo,at dinadagdagan pa niyaang paghihirap konang walang dahilan.18Halos malagot naang aking hiningadahil sa paghihirap nakanyang idinulot sa akin.19Kung lakas ang pag-uusapanwalang tatalo sa kanya!At kung sa hukuman idadaan,sinong makapaghahabla sa kanya?20Kahit na akoʼy walang kasalanan,hahatulan ako ng mga salitangaking tinuran.Kahit wala akong ginawang mali,isasakdal pa rin ako nito.21“Kahit na wala akong kapintasan,wala na itong halaga sa akin ngayon.Kinamumuhian ko na ang aking buhay.22Pareho lang naman ang kapalaranng matuwid at masama.Lahat sila ay mamamatay.23Kapag biglang namataysa kalamidad ang matuwid,natatawa lang siya.24Ipinagkatiwala niya ang mundosa masasamâ.Tinatakpan niya ang matang mga hukomupang hindi sila humatol ng tama.Kung hindi siyaang gumagawa nito,sino pa kaya?25“Madaling lumipas ang mga araw sa buhay ko;mas mabilis pa ito kaysa sa mananakbo.Lumilipas ito nang walang nakikitang kabutihan.26Dumadaan itong kasimbilisng isang bangkang gawa sa tamboo ng agilang dumadagit ng pagkain.27Kahit tumigil na ako sa pagdaingat pagdadalamhatiat akoʼy ngumiti na,28nananaig pa rin sa akin ang takotsa mga paghihirap na maaaringdumating sa akin.Dahil alam kong hindi niya ako ituturingna walang kasalanan.29Yaman din lamangna itinuring na niya akongmay kasalanan,wala nang halagana ipagtanggol ko paang aking sarili.30Kahit hugasan ko pa ng sabonang aking buong katawan,at lagyan ng pulbos na panlinisang aking mga kamay31ilulubog pa rin niya akosa maputik na hukay,upang kahit ang sarili kong damitay ikahiya ako.32“Hindi tao ang Diyos na katulad ko;hindi ko siya kayang sagutino isakdal man sa hukuman.33Mayroon sanang mamagitan sa aminupang pagkasunduin kaming dalawa,34at mapatigil sana niyaang pagpalo ng Diyos sa akin,upang hindi na ako matakot.35Kung magkagayoʼymakakausap ko na ang Diyosnang walang takot,ngunit sa ngayonhindi ko pa ito magagawa.Biblica, Inc.