Job10
1“Kinasusuklaman ko ang buhay ko,kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko.Sasabihin ko ang aking sama ng loob.2Ito ang sasabihin ko sa Diyos:Huwag nʼyo akong hatulanna masama ako.Sabihin nʼyo sa akin kung anoang aking kasalanan sa inyo.3Natutuwa ba kayongpinahihirapan nʼyo ako?Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha,at sinasang-ayunan namanang binabalak ng masama?4Ang paningin ba ninyoʼytulad ng paningin ng tao?Nakikita ba ninyo ang mga bagaykung paano ito nakikita ng tao?5Ang buhay nʼyo baʼykasing-ikli ng buhay ng tao,6at pilit nʼyo akong hinahanapanng kamalian at kasalanan?7Alam ninyong wala akong kasalanan,ngunit sinoʼng makapagtatanggol sa akinmula sa inyong kamay?8“Kayo ang gumawa at humubog sa akin,at ngayon kayo rin ang sisira sa akin.9Alalahanin ninyong akoʼy hinubog ninyo mula sa lupa at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa?10Hindi baʼt kayo ang humubog sa akinmula sa sinapupunan ng aking inana parang kesong hinubogmula sa gatas?11Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid,at saka binalutan ng laman at balat.12Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay,pinakitaan ng kabutihan at iningatan.13“Ngunit nalaman kona ang tunay ninyong plano sa akin14ay ang bantayan akokung magkakasala akoat kapag nangyari iyon,hindi nʼyo ako patatawarin.15Kung nagkasala ako,kahabag-habag ako!At kung hindi,hindi ko rin maiangat ang ulo ko,sapagkat labis ang aking kahihiyanat nalulunod ako sa aking paghihirap.16Pinagsisikapan kong bumangon,ngunit para kayong leonna nakaabang sa akin.Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihanlaban sa akin.17Patuloy nʼyo akong isinasakdalat lalo kayong nagagalit sa akin.Walang tigil nʼyo akong nilulusob.18“Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako?Sanaʼy namatay na lang akoat wala nang nakakita sa akin.19Hindi na lang sana ako nilikha.Namatay na lang sana akobago isinilangat itinuloy sa libingan.20Maikling panahon na langang natitira sa akin,kaya hayaan nʼyo na lang akoupang kahit saglit man langay sumaya naman ako,21bago ako pumunta sa lugarna malungkot at madilim,at hindi na ako makakabalik pa rito.22Napakadilim sa lugar na iyon;palaging gabi at walang liwanag,at naghahari doon ang kaguluhan.”
Biblica, Inc.