Job8
Ang Unang Sagot ni Bildad
1Sumagot si Bildad na taga-Shua,2“Hanggang kailan ka magsasalitanang ganyan?Nag-iingay ka langat walang kabuluhanang mga sinasabi mo.3Hindi maaaring pilipitinng Diyos na Makapangyarihanang katarungano baluktutin ang katuwiran.4Nagkasala ang iyong mga anaklaban sa Diyoskaya nararapat lamangang natanggap nilang kaparusahan.5Ngunit kung lalapit kasa Diyos na Makapangyarihan,at magmamakaawa sa kanya,6at mamumuhay nang malinisat matuwid,kahit ngayon ay agad ka niyang tutulunganat ibabalik sa mabuting kalagayan.7Bagamaʼt sa maliit ka nag-umpisa,magiging masagana ang iyong hinaharap.8“Tanungin mo ang mga matatanda.Alamin mo kung ano ang natutunanng kanilang mga ninuno.9Sapagkat parang kailan langtayo ipinanganakat kaunti lang ang ating nalalaman,at ang mga araw natin dito sa mundoay tulad ng aninong hindi nagtatagal.10Pakinggan mo sila,at sasabihin nila sa iyoang kanilang nalalaman.11Hindi mabubuhay ang halamang tubigkung walang tubig.12Habang silaʼy mura paat ʼdi pa namumukadkad,silaʼy nalalantang mas mabilis pasa mga damo.13Ganyan din ang kahihinatnanng lahat ng taong tumatalikod sa Diyos.Ang kanyang pag-asa ay mawawala.14Ang lahat ng inaasahanat pinagtitiwalaan niyaay kasinrupok ng sapot ng gagamba.15Kapag sinandalan ito,agad nalalagot;dumidikit ngunit mahina ang kapit.16Para siyang halamang saganasa dilig at sikat ng araw.Yumayabong itosa buong hardin17at kumakapit ang mga ugat nitosa mga bato.18Ngunit kapag nabunot na ito,hindi na pinapansin.19Ganyan ang wakas ng buhay niya,at may tanim na tutubong mulisa lugar na kanyang tinubuan.20“Ang totoo, hindi itinatakwil ng Diyosang taong matuwidat hindi niya tinutulunganang taong masama.21Patatawanin ka niyang muli,at pasisigawin sa kagalakan.22Ipapahiya niya ang mga napopoot sa iyoat wawasakin ang kanilang sambahayan.”Biblica, Inc.