Job7
1“Ang buhay ng tao dito sa mundoay napakahirap.Itoʼy kasinghirap ng araw-arawna trabaho ng isang manggagawa,2o gaya ng isang aliping nagnanaisna sumapit na ang haponupang siyaʼy makapagpahinga,o tulad ng isang manggagawangnaghihintay ng kanyang suweldo.3Ganyan din ang kalagayan ko.Ilang buwan na ang aking paghihirapna walang kabuluhan.Kahit gabiʼy naghihirap ako,4at habang nakahiga ako,iniisip ko kung kailan darating ang umaga.Napakabagal ng takbo ng oras.Hindi ako mapalagayhanggang magbukang-liwayway.5Ang katawan koʼy puno ng uod at langib.Nagnanana at pumuputokang mga pigsa kong namamaga.6“Lumilipas po ang aking mga araw na walang pag-asa.Mabilis itong lumilipas,higit pa sa bilis ng isang habianng manghahabi.7O Diyos, alalahanin nʼyo po naang buhay koʼy parangisang hinga lamang,at hindi na po ako makadamang anumang ligaya.8Nakikita nʼyo po ako ngayonngunit sa huli ay hindi na.Hahanapin nʼyo akongunit hindi nʼyo ako matatagpuan.9Kung papaanong ang mga ulapay nawawala at hindi na nakikita,ganoon din ang mga namamatay,hindi na sila nakakabalik pa.10Hindi na siya makakauwisa kanyang bahay,at makakalimutan na siyang mga nakakakilala sa kanya.11“Kaya po hindi ako maaaring manahimik;naninikip na po ang aking dibdibat kailangan ko na pong sabihinang aking sama ng loob.12O Diyos, bakit nʼyo poako binabantayan?Isa ba akong dambuhalang halimaw sa dagatna dapat bantayan?13Kung gusto ko pong mahigaupang makapagpahingasa tinitiis kong hirap,14tinatakot nʼyo naman po akosa pamamagitan ng mga panaginipat pangitain.15Kaya mas mabuti pangsakalin na lang ako at mamataykaysa mabuhay sa katawang ito.16Kinasusuklaman ko ang aking buhay.Ayoko nang mabuhay.Hayaan nʼyo na langakong mamatay,dahil wala nang kabuluhanang aking buhay.17“Ano po ba ang tao upang pahalagahanat pagmalasakitan nʼyo ng ganito?18Sinisiyasat nʼyo siya tuwing umagaat sinusubukan sa bawat sandali.19Kung maaariʼy hayaan nʼyo akong mag-isakahit sandali lang.20At kung nagkasala naman po ako,ano po ang kasalanangnagawa ko sa inyo,O Tagapagbantay ng tao?Bakit ako ang pinili nʼyong pahirapan?Naging pabigat po ba ako sa inyo?21Kung nagkasala po ako sa inyo,bakit hindi nʼyo na lang ako patawarin?Hindi na rin naman magtatagalat papanaw na ako,at kahit hanapin nʼyo ako,hindi nʼyo na ako makikita.”
Biblica, Inc.