Job6
Sumagot si Job
1Sumagot si Job,2“Kung matitimbang lamangang dinaranas kong pagtitiisat paghihirap,3mas mabigat pa itokaysa sa buhanginsa tabing-dagat.Iyan ang dahilankung bakit nagsalita ako ng padalos-dalos.4Sapagkat ang mga pana ng Diyos na Makapangyarihanay nakatusok na sa akin;at ang lason nitoʼy kumalatsa buo kong katawan.Ang mga nakakatakotna pana ng Diyosay nakaamba na sa akin.5Umaatungal ba ang asnong-gubatkung may damo itong kakainin,o umaangal ba ang bakakapag may makakain?6Makakain ba ang pagkaing walang lasakung walang asin?May linamnam ba sa puti lamang ng itlog? 7Ako man ay wala ring ganangkainin iyan,upang akong masusuka.8“Nawaʼy makamtan koang aking kahilingan.Sanaʼy ipagkaloob ng Diyosang aking inaasam-asam,9na mas mabuting durugin ako ng Diyos;bawiin na lang ng kamay niyaang aking buhay.10At kapag itoʼy nangyari,masaya pa rin ako,dahil sa kabila ng aking paghihiraphinding-hindi ko itinakwilang mga salita ng Banal na Diyos.11“May lakas pa ba akopara akoʼy umasa pa?May mahihintay pa ba ako,para akoʼy magtiis pa?12Kasingtigas ba ako ng batoat gawa ba sa tanso ang katawan ko?Hindi!13Wala na akong lakasupang iligtas ang sarili ko.Wala na rin akong pagkakataongmagtagumpay pa.14“Bilang mga kaibigannais kong damayan ninyo akosa paghihirap kong ito,kahit na sa tingin ninyoʼywala akong takotsa Diyos na Makapangyarihan.15Ngunit kayong mga itinuturing kong kapatiday hindi pala maaasahan;para kayong sapana kung minsaʼy umaapawat kung minsan namaʼy tuyo.16Itoʼy umaapaw kapag puno ng tunawna nyebe o yelo,17at sa tag-init itoʼy natutuyo;sa init ng panahon itoʼy naglalaho.18Kapag dumaan doonang mga naglalakbay,wala silang tubig na maiinom,kaya pagdating nila sa ilangnamamatay sila.19Ang mga mangangalakalna nagmula sa Tema at Shebana naglalakbayay umaasang makakainom sa sapa,20ngunit nabigo sila.Umaasa silang may tubig doonngunit wala pala.21Ang sapa na iyon ang katulad ninyo.Wala rin kayong naitutulong sa akin.Natakot kayo nang makita ninyoang nakakaawa kong kalagayan.22Ngunit bakit? Humingi ba akong regalo sa inyo?Nakiusap ba akong tulungan nʼyo akomula sa inyong kayamanan,23o iligtas ako mula sa kamayng aking mga kaaway,at sagipin ako sa pagkakahawakng mga mararahas?24“Turuan nʼyo akoat kayoʼy aking pakikinggan,ipakita sa akinang aking kamalian.25Hindi baleng masakitang sasabihin ninyobastaʼt iyon ay totoo.Ngunit ang ibinibintang ninyo sa akinay hindi totooat hindi ninyo mapatunayan.26Gusto ninyong ituwid ang mga sinasabi ko,dahil para sa inyo,ang aking sinasabibilang desperadong taoay walang kabuluhan.27Bakit, kayo baʼy matuwid?Nagagawa nga ninyongipaalipin ang isang ulila,o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan!28“Tingnan ninyo ako.Sa tingin ba ninyoʼymagsisinungaling ako sa inyo?29Tigilan na ninyo ang paghatol sa akin,dahil wala akong kasalanan.30Akala ba ninyoay nagsisinungaling ako,at hindi ko alam kung anoang tama at mali?”Biblica, Inc.