Job5
1“Job, kahit humingi ka ng tulong,walang tutulong sa iyo.Kahit ang mga anghel ay hindi ka tutulungan.2Ang sama ng loobay pumapatay sa hangal,at ang paninibughoay pumupuksa sa taong mangmang.3Ayon sa aking nakita at nalaman,maaaring umunlad ang pamumuhayng isang hangal,ngunit bigla na lang isusumpa ng Diyosang sambahayan niya.4Ang mga anak niyaʼywalang malalapitanat wala ring magtatanggolsa kanila sa hukuman.5Ang ani niyaʼy kakainin ng iba.At kahit ang mga bungang nasa tinikanay kukunin ng mga taong gutom.Ang kayamanan niyaʼy aagawinng mga taong uhawsa mga ari-arian.6Ang kahirapan ay hindi galing sa alikabokat ang kaguluhanay hindi umuusbong sa lupa.7Ngunit likas sa taoang ipanganak sa kaguluhan,tulad ng tilamsik ng apoyna pumapailanlang.8“Kung ako sa iyo,lalapit ako sa Diyos.Sasabihin ko sa kanyaang aking kalagayan.9Sapagkat gumagawa siyang mga kahanga-hangang bagayat mga himalang hindi kayangunawain o bilangin.10Nagpapadala siya ng ulan sa mundoat pinatutubigan niya ang mga bukirin.11Itinataas niyaang mga nagpapakumbabaat kinakalinga ang mga nagdadalamhati.12Sinisira niya ang planong mga mandaraya,upang hindi sila magtagumpay.13Hinuhuli niya ang marurunongsa kanilang katusuhan,at hinahadlangan ang planong mga mapanlinlang.14Hindi sila nakakakitakahit maliwanag,at nangangapa sa kadilimankahit na katanghalian.15Inililigtas ng Diyos ang mga dukhamula sa kamatayanat sa mga taong makapangyarihanna umaapi sa kanila.16Kaya may pag-asa ang mga dukha,ngunit ang masasamaay kanyang sinasaway.17“Mapalad ang taong itinutuwid ng Diyosang pag-uugali.Kaya huwag mong mamasamainang pagtutuwidng Diyos na Makapangyarihan sa iyo.18Sapagkat ang sinusugatan niyaay kanya ring ginagamot.Ang kanyang sinasaktanay kanyang pinapagaling.19Palagi ka niyang ililigtassa mga salot at panganib.20Ililigtas ka niya sa kamatayansa panahon ng taggutom at digmaan.21Iingatan ka niyakung sisiraan ka ng iba,at wala kang katatakutankung dumating manang kapahamakan.22Tatawanan moang taggutom at kapahamakan,at ang mababangis na hayopay hindi mo katatakutan.23Makikipagkasundo ka sa mga bato sa parangat sa gitna ng mga mababangis na hayopay mamumuhay kang may kapayapaan.24Mamumuhay ng payapaang sambahayan moat walang mawawalasa iyong mga hayop.25Dadami ang iyong angkanna parang kasindami ng mga damo sa lupa.26Hahaba ang buhay moat hindi ka mamamataynang hindi sa tamang panahon. 27“Ayon sa aming nalamanat naranasan,ay aming napatunayanna talagang totoo ang lahat ng ito.Kaya dinggin mo itoat isabuhay para sa ikabubuti mo.”
Biblica, Inc.