Job4
Nagsalita si Elifaz
1Nagsalita si Elifaz na taga-Teman. Sinabi niya,2“Magagalit ka bakung magsasalita ako?Hindi ko na kayang manahimik.3Noon, pinapayuhan moang maraming tao namagtiwala sa Diyos,at pinalalakas ang mahihinaat nanlulupaypay.4Ang mga salita moʼynagpalakas sa kanilaat umalalay sa mga nanghihina.5Ngunit ngayong ikaw naang dumaranas ng kahirapan,tila ikaw ang nanghihinaat naguguluhan.6Hindi baʼt kapagmay takot ka sa Diyosat namumuhay ka nang matuwid,magdudulot ito sa iyong tiwalaʼt pag-asa?7“Ngayon, isipin mong mabuti.May tao bang matuwidat walang kasalanan na napahamak?8Ayon sa aking nakitaʼt nalaman,ang mga taong gumagawang kasamaan at kaguluhan,gayundin ang kanilangkahahantungan.9Sa isang bugso lamangng galit ng Diyos,mapapahamak sila.10Kahit na silaʼy tuladng malakas at mabangis na leon,tatanggalin pa rinang kanilang mga ngipin.11Mamamatay ang leondahil wala siyang mahuliat ang mga anak ng babaeng leonay magkakahiwa-hiwalay.12“May lihim na dumating sa akin,nahagip ng aking pandinigang bulong na ito.13Sa gitna ng gabing punong maliligalig na panaginip,habang mahimbing ang lahatsa pagkakaidlip,14binalot ako ng takot at nginig,at ang mga buto koʼy nangatog.15May espiritung dumaansa aking harapan,at tumindig ang mga balahibosa aking katawan. 16Huminto ito, ngunit hindi kogaanong maaninag.At may narinig akong mahinang tinigna nagsasabi,17‘Maaari bang maging matuwidang isang tao sa harapan ng Diyos?May kakayahan ba ang isang taongmaging dalisaysa harapan ng kanyang Manlilikha?18Kung mismong sa mga anghelna lingkod niyaay hindi siya lubusang nagtitiwala,at nakakakita siya ng kamalian nila,19di lalo na sa taong nilikha lamangmula sa lupa,na madaling pisainkatulad ng gamo-gamo!20Ang taoʼy maaaring buháy pa sa umagangunit kinagabihaʼy patay naat hindi na makikita magpakailanman.21Para silang mga toldang bumagsak.Namatay sila nang kulangsa karunungan.’ ”Biblica, Inc.