Job40
1Sinabi pa ng Panginoon kay Job,2“Makikipagtalo ka pa rin ba sa akin,ako na Diyos na Makapangyarihan?Sinasabi mong nagkamali ako.Ngayon, sagutin mo ako.”3Kaya sinagot ni Job ang Panginoon,4“Hindi po ako karapat-dapatna sumagot sa inyo.Tatahimik na lamang po ako.5Marami na akong nasabi,kaya hindi na po ako magsasalita.”6At sinagot ng Panginoon si Job mula sa ipuipo,7“Ihanda mo ang iyong sarili,at sagutin mo ang mga tanong ko.8“Gusto mo bang patunayan na mali akoupang palabasin na ikaw ang tama?9Ang kamay mo baʼy makapangyarihantulad ng sa Diyos?Dadagundong ba ang boses motulad ng sa kanya?10Kung magagawa mo iyan,patunayan mo na ikaw ngaay makapangyarihan, marangal at dakila.11Ipakita mo ang matindi mong galitsa taong mayayabang at ibagsak sila.12Wasakin mo ang taong masasamasa kanilang kinatatayuan.13Ilibing mo silang lahat sa lupa,sa lugar ng mga patay.14Kapag nagawa mo ang mga ito,ako ang pupuri sa iyoat tatanggapin kong may kakayahan kana iligtas ang iyong sarili.15“Tingnan mo ang Behemot, nilalang ko rin siya katulad mo.Kumakain ito ng damo na tulad ng baka,16ngunit napakalakas nito,at napakatibay ng katawan.17Ang buntot niyaʼytuwid na tuwidna parang kahoy ng sedro,at ang mga hitaʼy matipuno.18Ang mga buto nitoʼytulad ng tubong tanso o bakal.19Kahanga-hanga siya sa lahatng aking nilalang.Ngunit ako na Manlilikha niyaay hindi niya matatalo.20Nanginginain siya sa mga kabundukanhabang naglalaro ang mga hayop sa gubatmalapit sa kanya.21Nagpapahinga siyasa matitinik na halamangnatatabunan ng talahib.22Ang mga halamang matinikat ang iba pang mga punongkahoysa tabi ng batisay nagiging kanlungan niya.23Hindi siya natatakotkahit na rumaragasaang tubig sa ilog.Tahimik pa rin siyakahit halos natatabunan na siyang tubig ng Ilog Jordan.24Sino ang makakahuli sa kanyasa pamamagitan ng pagbulag sa kanya?Sino ang makakabitag sa kanyaat makakakawit sa ilong niya?
Biblica, Inc.