Job39

1“Alam mo ba kung kailan nanganganakang mga kambing sa gubat?Nakakita ka na ba ng usana nanganganak?2Binibilang mo ba ang mga buwanng kanilang pagbubuntishanggang sa sila ay manganak?At alam mo rin bakung kailan sila manganganak?3Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hiraphanggang sa makapanganak.4Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan,umaalis sila at hindi na bumabalik.
5“Sino ang nagpakawalasa asnong-gubat?Sino ang nagkalas ng tali nito?6Ibinigay ko sa kanya ang ilangupang kanyang tirhan,pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan.7Lumalayo siya sa maingay na bayanat ayaw niyang siya ay mapaamo.8Paikot-ikot siya sa mga kabundukanupang maghanap ng sariwang pastulan.
9“Papayag ba ang bakang-gubatna pagsilbihan ka?Mapapanatili mo kaya siyasa kanyang sabsaban kung gabi?10Matatalian mo kaya siyaat mapag-aararo sa iyong bukid?11Makakaasa ka kaya sa lakas niyaupang gawin ang mabibigat na gawain?12Maaasahan mo kaya siyangtipunin at hakutinang iyong ani papunta sa giikan?
13“Pumapagaspas nang may kagalakanang mga pakpak ng abestrus,ngunit hindi nito mapapantayanang mga pakpak at balahibo ng tagak. 14Iniiwanan ng malaking ibong itoang kanyang mga itlog sa lupaupang mainitan sa buhanginan.15Hindi siya nag-aalalangbaka matapakan ito o madagananng mga hayop sa gubat.16Malupit siya sa kanyang mga sisiw,parang hindi kanya kung ituring.Hindi siya nag-aalalana ang pinaghirapan niyaay mawawalan ng kabuluhan.17Sapagkat hindi siya binigyanng Diyos ng karununganat hindi rin binahagianng pang-unawa.18Ngunit kapag tumakbo na siya,tinatawanan niya ang kabayoat ang sakay nito.
19“Ikaw ba ang nagbibigayng lakas sa kabayo?Ikaw din ba ang naglagayng buhok sa kanyang leeg?20Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanyagaya ng isang balangat nagiging kagimbal-gimbalkapag itoʼy sumisinghal?21Kumakahig siya sa lupana parang ipinagmamalakiang kanyang lakas.Pagkatapos ay sumusugod siya sa digmaan.22Wala siyang kinatatakutan,ni hindi siya natatakot sa espada. 23Kumakalansing at kumikislapang mga sandata ng sumasakay sa kanya.24Lumilipad ang alikaboksa bilis ng kanyang pagtakbo.Hindi na siya mapigilankapag tumunog na ang trumpeta.25Sumisinghal siyakapag naririnig ang trumpeta.Naaamoy niya ang digmaankahit sa malayo,at naririnig niya ang ingay ng digmaanat ang sigaw ng mga kumander.
26“Ang karunungan mo baang nagpapalipad sa lawinpara ibuka ang pakpak nitopatungo sa timog?27Ikaw ba ang nag-uutossa agila na lumipadat gumawa ng kanyang pugadsa mataas na dako?28Nakatira ang agilasa mataas na bato.Ang matarik na lugarang kanyang taguan.29Mula doon naghahanapsiya ng madadagit,kahit ang malayoay naaabot ng kanyang paningin.30At kapag may nakita siyang bangkayay pinupuntahan niya,at ang dugo nito ang iniinomng kanyang mga inakay.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3