Job41
1“Mabibingwit mo kaya ang Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid?2Matatalian mo ba ng lubidang ilong niyao mailalagay mo kaya ang kawitsa kanyang panga?3Makikiusap kaya itong lagi sa iyona siyaʼy iyong pakawalan,o di kayaʼy humilingna iyong kahabagan?4Makikipagkasundo kaya siya sa iyona magpaalipin habambuhay?5Kaya mo ba siyang gawing alagang ibon,o di kayaʼy italipara sa iyong mga anak na babae?6May negosyante kayang bibili sa kanyaat hihiwa-hiwain siya upang ipagbili?7Kaya mo bang punuin ng matutulisna sibat ang kanyang balat,o ʼdi kayaʼy bingwitin ang kanyang ulong pamingwit ng isda?8Kapag hinawakan mo siya,maaalala mo kung gaano itokahirap hulihinat masasabi mong hinding-hindi ka na uulit.9Walang saysay ang mga pagsisikapna hulihin siya,dahil makita mo pa lang siyaʼymaduduwag ka na.10Kung sa kanya ngaʼywalang mangangahas gumambala,sino pa kayang mangangahasna lumaban sa akin?11Sino ang makapagsasabingmay utang na loob ako sa kanya?Ang lahat dito sa mundo ay akin.12“Sasabihin ko pa sa iyoang tungkol sa katawan ng Leviatanat kung gaano siya kalakasat kamakapangyarihan.13Sinong makakatuklap ng kanyang balato makakatusok nito?14Sino ang makakapagpabukang kanyang bunganga?Ang mga ngipin niyaʼy nakakatakot.15Ang likod niyaʼy may makakapal na kaliskisna parang kalasag na nakasalansan.16Masinsin ang pagkakadikit-dikit ng mga itona kahit hangin ay hindi makakalusot.17Mahigpit ang pagkakadugtong nila sa isaʼt isa,Magkakadikit ang mga ito at hindi matutuklap.18Kapag bumabahing siya,may lumalabas na parang kidlatat ang kanyang mga mataay mapula na parang bukang-liwayway.19Apoy ang dumadaloymula sa kanyang bibigat sumisiklab ang apoy na lumalabas20at umuusok ang ilongna parang nagmumula sa kumukulong palayokna may nagliliyab na panggatong.21Ang hininga niyaʼy makapagpapabaga ng ulingdahil sa apoy na lumalabas sa kanyang bibig.22Nasa leeg ang kanyang lakas,at ang makakita sa kanya ay kinikilabutan.23Kahit ang kanyang mga lamanay siksik at matitigas.24Ang puso niyaʼy kasintigas ng bato,marahas at walang takot.25Kapag siyaʼy tumayo,takot na takot patiang mga makapangyarihang tao;binabalot sila ng kilabot.26Walang espada, sibat, pana,o palasong makakapanakit sa kanya.27Ang turing niya sa bakal ay dayami,at sa tanso ay bulok na kahoy.28Hindi niya iniilaganang mga pana.Ang mga batongtumatama sa kanyaʼynagiging parang mga ipa lang.29Ang mga kahoy na ipinapaloay parang mga dayami lang sa kanya.At pinagtatawanan lang niyaang mga humahagibis na sibatna inihahagis sa kanya.30Ang kanyang tiyanay may matatalim na kaliskis,na parang mga basag na bote.Kaya kapag gumagapang siya sa putik,nag-iiwan siya ng mga bakas sa giikan.31Kinakalawkaw niya ang dagathanggang bumula naparang kumukulong tubig sa palayoko kumukulong langis sa kaldero.32Ang tubig na kanyang dinadaananay bumubula,parang puting buhok kung tingnan.33Wala siyang katulad dito sa mundo.Isa siyang nilalangna walang kinatatakutan.34Minamaliit niya ang lahatng mayayabang na hayop.Siya ang hari ng lahatng mababangis na hayop sa gubat.”
Biblica, Inc.