Job3

Nagsalita si Job

1Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na siyaʼy isinilang.2Sinabi niya,3“Isinusumpa ko ang arawna akoʼy ipinanganak.4Naging madilim na lang sanaang araw na iyonat hindi na sinikatan ng araw.Kinalimutan na lang sanang Diyos sa langit ang araw na iyon.5Nanatili na lang sana itong madilimo natatakpan ng makapal na ulap,at nilukuban na lang sanang kadiliman ang kaliwanagan.6Kinuha na lang sana ng kadilimanang gabing iyon nang akoʼy isilang,at hindi na sana napabilangsa kalendaryo.7Hindi na nga lang sana akoipinanganak ng gabing iyon,at wala rin sanang kasiyahan noon.8Sumpain nawa ang gabing iyonng mga manunumpa na nakakaalamkung paano pakilusin ang Leviatan. 9Hindi na sana sumikat ang talasa umaga ng araw na iyon,at hindi na sana dumatingang bukang-liwayway.10Isinusumpa ko ang araw na iyondahil hindi niya pinigilanang pagsilang sa akin,nang hindi ko na sana naranasanang ganitong paghihirap.
11“Mabuti pang namatay na lang akosa sinapupunan ng aking ina.12Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina?13Kung namatay na sana ako noon,tahimik na sana ako ngayon,natutulog at nagpapahinga14kasama ng mga hariat mga pinuno ng mundona nagtayo ng mga palasyo na giba na ngayon. 15Nagpapahinga na rin sana akokasama ng mga pinunona ang mga tahanan ay punong mga gintoʼt pilak.16Mas mabuti pang akoʼy naging katuladng mga batang patay nanang ipinanganakat hindi na nakakita ng liwanag.17Doon sa lugar ng mga patay,ang masama ay hindi na gumagawang kasamaanat ang mga pagoday nagpapahinga na.18Doon, ang mga bihagay nagpapahinga rinat hindi na nila naririnig ang sigawng taong pumipilit sa kanilana magtrabaho.19Naroon ang lahat ng uri ng tao,tanyag man o hindi.At ang mga alipin ay malaya nasa kanilang amo.
20“Bakit pa pinapayagang mabuhayang taong nagtitiis at nagdurusa?21Hinahangad nilang mamatayngunit hindi naman nangyayari.Inaasam nila ang kamatayannang higit pa sa nakatagong kayamanan.22Mas sasaya sila kapagnamatay na at nailibing.23Bakit kaya niloob pa ng Diyosna mabuhay ang taonang hindi man lamang pinapaalamang kanyang kahahantungan?24Hindi ako makakaindahil sa labis na pagdaramdamat walang tigil ang aking pagdaing.25Ang kinatatakutan koay dumating sa akin.Ang inaalala koay nangyari sa akin.26Wala akong kapayapaanat katahimikan.Wala akong kapahingahan,pawang kabagabaganang aking nararanasan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3