Job38
Nagsalita ang Panginoon
1Pagkatapos, sinagot ng Panginoon si Job mula sa ipuipo, sinabi niya,2“Sino itong nag-aalinlangansa aking karunungan?At nagsasalita ng pawang kamangmangan.3Humanda ka.Sagutin mo ang aking mga tanong.4“Nasaan ka noong itinatag koang pundasyon ng daigdig?Sabihin mo kung iyong nauunawaan.5Alam mo ba kung sino ang nagpasyang magiging lawak ng pundasyonat sukat nito?6Sino ang may hawakng pundasyon ng mundo?At sino ang naglagay ng pundasyon na ito7habang sama-samang umaawitang mga bituin sa umagaat nagsisigawan sa tuwaang lahat ng anghel? 8“Sino ang naglagay ng hangganan sa dagatnang bumulwak ito mula sa kailaliman?9Ako ang naglagay ng makapal na ulapat kadiliman bilang takip ng dagat.10Itinakda ko ang hangganan ang dagat;parang pintuang isinaraat nilagyan ng tarangka.11Sinabihan ko ang dagat,‘Hanggang dito ka langat huwag kang lalampas;hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’12“Nautusan mo na baang umaga na magliwanag,o ituro sa bukang-liwaywaykung saan siya sisikat?13Nagawa mo na bang ikalatang liwanag ng araw sa buong mundopara mapatigil ang kasamaangginagawa kapag madilim?14At dahil sa sikat ng araw,ang daigdig ay malinaw na nakikitakatulad ng marka ng pantatakat lukot ng damit.15Ang liwanag ay nakakapigil sa masasama,dahil hindi sila makakagawang karahasan sa iba.16“Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukalna nasa ilalim ng dagato sa pinakamalalim na bahagi ng dagat?17Naipakita na ba sa iyoang mga pintuang patungosa lugar ng mga patay?18Alam mo ba kung gaano kalakiitong mundo?Sabihin mo sa akinkung alam mo ang lahat ng ito!19“Saan ang daan patungosa tahanan ng liwanag?Saan ang tahanan ng kadiliman?20Madadala mo ba silasa kanilang pinanggalingan?Alam mo ba ang daanpatungo sa kanilang tahanan?21Oo nga pala, alam mo ang lahat ng itodahil ipinanganak ka nabago pa likhain ang mga itoat matagal na panahon ka nang nabubuhay!22“Nakapunta ka na basa lugar na pinanggagalinganng nyebe o ulan na yelo?23Ang mga yelong itoʼy inihahanda kopara sa panahon ng kaguluhan at digmaan.24Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat?At kung saan nagmumulaang hanging silangan?25Sino nga ba ang gumawang dadaanan ng ulan at ng bagyo?26Sino nga ba ang nagpapadalang ulan sa disyerto,sa lugar na walang nakatirang tao?27Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang upang tumubo ang mga damo?28Mayroon bang ama ang ulan?Sino ang ama ng mga ng hamog?29Sino ang ina ng niyebe?Sino ang nagsilang sa yelong mula sa langit?30Ang tubig ay nagyeyelona kasintigas ng bato,pati na ang itaasna bahagi ng dagat.31“Kaya mo pagkumpul-kumpulinang mga bituin ng Pleyadeso ikalat ang mga bituin ng Orion?32Masasabihan mo ba ang mga bituinna lumabas sa tamang oras?Magagabayan mo ba ang mga bituingMalaking Oso at Maliit na Ososa kanilang daan?33Alam mo ba ang mga tuntuningumiiral sa langit?Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa lupa?34“Masisigawan mo ba ang mga ulappara bumuhos sila ng ulan?35Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap?Mapapasunod mo kaya ito?36Sino ang nagbibigay ng karununganat pang-unawa ng tao?37Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap?Sinong makakapagbuhosng tubig mula sa langit38upang ang mga tuyong alikabokay maging buo-buong putik?39“Maihahanap mo ba ng pagkainang mga leonupang sila ay mabusog40habang silaʼy nagtatagosa kanilang lunggao sa maliliit na punongkahoy?41Sino ang nagpapakain sa mga uwakkapag silaʼy nagugutomat kapag ang mga inakay nilaʼyhumihingi ng pagkain sa Diyos?Biblica, Inc.