Job37
1“Dahil ditoʼy kumakabog ang dibdib koat tumatalon-talon ang puso ko.2Pakinggan ninyo ang dagundongng tinig ng Diyos,ang ugong na nagmumulasa kanyang bibig.3Pinapakawalan niya ang kidlatsa buong kalawakan,at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo.4Pagkatapos ay maririnigang dagundong ng kanyang tinigna parang isang kulog.Hindi niya ito pinipigilan.5Kagila-gilalas ang dumadagundongna tinig ng Diyos.Gumagawa siyang mga kahanga-hangang bagay,mga bagay na hindi natin kayang unawain.6Inuutusan niya ang yelona pumatak sa lupa,ganoon din ang ulanna bumuhos nang malakas,7upang ang taoʼy makapagpahingasa kanilang mga ginagawaat makapagbulay-bulaysa mga ginawa ng Diyos.8Nagtatago ang mga hayopsa kanilang mga taguanat nananatili roon kapag may bagyo.9Dumadating ang bagyoat ang hanging malamigmula sa kanilang taguan.10Sa pamamagitan ng hininga ng Diyosnabubuo ang yelo,at nagiging yelo ang malalawakna bahagi ng tubig.11Pinupuno niya ng tubig ang mga ulapat pinakikidlat ito.12Sa kanyang utos,nagpapaikot-ikot ang mga ulapsa ibabaw ng mundo.At ang kanyang naisay kanilang ginagawa.13Ginagamit niya ang mga itoupang ituwid ang tao,o ipadama ang kanyang pag-ibig.14“Job, pakinggan mo ito,at pagbulay-bulayanang mga kahanga-hangang bagayna ginagawa ng Diyos.15Alam mo ba kung paanoinuutusan ng Diyos ang ulap,at kung paano siyanagpapakidlat mula rito?16Alam mo ba kung paano lumulutangang mga ulap?Ang lahat ng itoʼy kahanga-hangang gawa ng Diyosna ang dunong ay walang hangganan.17Ikaʼy pagpapawisandahil sa mainit na hangin mula sa timog,18matutulungan mo ba ang Diyosna ilatag ang kalawakanat patigasin na parang tansong salamin?19“Kaya sabihin mo sa aminkung ano ang dapat naming sabihin sa Diyos.Hindi namin alam kung paanokami mangangatwirandahil kulang ang aming kaalaman.20Hindi ko gugustuhing makipagtalo sa Diyos,dahil baka akoʼy kanyang ipahamak.21Walang sinumang makakatitig sa arawna nagliliwanag sa himpapawid,pagkatapos mahawi ng hanginang mga ulap.22Mula sa hilaga, darating ang Diyosna nagniningning na parang gintoat ang kanyang liwanagay kagila-gilalas.23Hindi natin lubos na maunawaanang Diyos na Makapangyarihan na napakadakila.Lubos siyang makatarungan,matuwid at hindi nang-aapi,24kaya iginagalang siya ng mga tao.Hindi niya pinapansinang mga taong nagsasabingsila ay marunong.”
Biblica, Inc.