Job36

1Nagpatuloy pa si Elihu,2“Pagtiyagaan mo pa ako ng kaunti,dahil may sasabihin pa akoupang ipagtanggol ang Diyos.3Marami akong nalalamanat papatunayan ko sa iyona ang Diyos na lumikha sa akin ay tama.4Tinitiyak ko sa iyonghindi ako nagsisinungaling,dahil ako na kausap moʼytunay na marunong.
5“Makapangyarihan ang Diyos,ngunit wala siyang hinahamak.Nalalaman niya ang lahat ng bagay.6Hindi niya pinapayagangmabuhay ang masama,at ang mga inaapiay binibigyan niya ng katarungan.7Hindi niya pinapabayaanang mga matuwid.Pinararangalan niya silakasama ng mga hari magpakailanman.8Ngunit kung silaʼy pinahihirapanna parang ginagapos ng kadena,9ipinapakita sa kanila ng Diyosang ginawa nilang kasalananna ipinagmamalaki pa nila.10Ipinaririnig niya sa kanilaang kanyang babalaat inuutusan silang tumalikodsa kasamaan.11Kung susunod sila at maglilingkod sa kanya,buong buhay silang mamumuhaysa kasaganaan at kaligayahan.12Ngunit kung hindi sila susunod,mamamatay sila sa digmaanna kapos sa kaalaman.
13“Ang mga taong hindi makadiyosay nagkikimkim ng galit sa puso,at kahit na pinaparusahan na sila ng Diyos,hindi pa rin sila humihinging tulong sa kanya.14Mamamatay silang nang maaga,habang silaʼy bata papagkatapos nilang sayanginang kanilang buhay sa kalaswaan.15Ngunit sa pamamagitanng mga paghihirap,tinuturuan ng Diyos ang mga tao.Natututo silang makinig sa kanyasa pamamagitan ng mga pagdurusa.
16“Inilalayo ka ng Diyos sa panganibat binibigyan ng kalayaan at kasaganaan.At mapupuno ng masasarap na pagkainang iyong hapag-kainan.17Ngunit ngayong nararanasan moang parusang nararapat sa masasamâ,hindi ka na makakaiwas sa katarungan.18Mag-ingat kaʼtbaka matukso ka sa kayamananat maakit sa malaking suhol.19Makakatulong kaya sa iyong paghihirapang mga kayamanan moʼt kakayahan?20Huwag mong hahanapin ang gabi, ang panahon ng kapahamakanng mga bansa.21Mag-ingat kaʼthuwag gumawa ng masama.Pinahihirapan kaupang makaiwas sa kasamaan.
22“Alalahanin mong ang Diyosay tunay makapangyarihan.Walang guro na katulad niya.23Walang makapagtuturo sa kanyakung ano ang dapat niyang gawin,at walang makapagsasabingnagkamali siya.24Huwag mong kalimutang purihinang kanyang mga ginawagaya ng ginagawa ng ibasa kanilang pag-awit.25Nakita ng lahat ng tao ang kanyang mga gawa,kahit tinitingnan ito mula sa malayo. 26Tunay na makapangyarihan ang Diyosat hinding-hindi natin kayang unawainang kanyang kadakilaan.Kahit ang kanyang mga taonay hindi natin mabibilang.
27“Ang Diyos ang nagpapaakyatng tubig mula sa lupaat ginagawa niyang ulan.28Bumubuhos ang ulanmula sa ulapat ang lahat ng taoʼy nakikinabang.29Walang nakakaalamkung paano kumakalat ang ulap,at kung paano kumukulog sa langitkung saan nananahan ang Diyos.30Masdan mo kung paano niyapinakikidlat sa kanyang paligid,at kung paano nito pinaliliwanaghanggang sa dulo ng dagat.31Ganito niya kinakalingaang mga bansa,binibigyan niya silang pagkaing sagana.32Hinahawakan niya ang kidlatat inuutusang tamaanang sinumang nais niyang patamaan.33Ang kulog ay nagpapahiwatigna may bagyong paparating,kahit mga hayop ay alamna itoʼy darating.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3