Job35
1Sinabi pa ni Elihu,2“Sa wari mo baʼy tama kakapag sinabi mong, ‘Ako ang tama,hindi ang Diyos.’3Ngunit sabi mo rin,‘Anong pakinabang sa akin,ano namang makukuha kokapag akoʼy hindi gagawang kasalanan?’4“Sasagutin kita pati naang iyong mga kaibigan.5Tumingin ka sa langitat tingnan mo kung gaano kataas ang ulap.6Kung magkasala ka man,apektado ba ang Diyos?Kung patuloy ka mang magkasala,may magagawa ba iyon sa kanya?7Kung matuwid ka,ano naman ang kabutihangmaibibigay nito sa Diyos?8Ang maaapektuhan lamangsa ginagawa mong mabuti o masamaay ang iyong kapwa tao.9“Ang mga inaapi ay humihinging tulong na iligtas silasa kamay ng mga makapangyarihang tao.10Ngunit walang nagsasabi,‘Nasaan ang Diyos na aking Manlilikha,na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?11Nasaan ang nagtuturoat nagpapatalino sa atinnang higit pa sa mga ibonsa kalangitan?’12At kung mananalangin sila,hindi sila sinasagot ng Diyosdahil mayayabang sila at masasamang tao.13Tunay ngang hindi dinidinigng Diyos na Makapangyarihanang walang kabuluhangpaghingi nila ng tulong.14Lalo ka lang niyang hindi pakikinggankung sasabihin mong hindi mo nakikitaang kanyang tulongnang idinulog mo ang iyong kalagayan,at pinaghihintay ka lang.15Sinabi mo rin nahindi nagpaparusa ang Diyoskahit galit siya,at hindi niya pinapansinang kasamaang ginagawa ng tao.16Job, walang saysayang sinasabi mo.Talagang malinaw na hindi mo alamang iyong sinasabi.”
Biblica, Inc.