Job34
1Sinabi pa ni Elihu,2“Kayong mga nagsasabingmarurunong at maraming nalalaman,pakinggan ninyo akong mabuti.3Sapagkat kung papaanong alam ng dilaang masarap at hindi masarap na pagkain,alam din ng tainga kung ano ang tamaat hindi tamang mga salita.4Kaya alamin natin kung ano ang tama,pag-aralan natin kung ano ang mabuti.5“Sapagkat sinabi ni Job,‘Wala akong kasalananngunit hindi ako binigyanng Diyos ng katarungan.6Kahit na matuwid ako,itinuring akong sinungaling.Kahit na wala akongnagawang kasalanan,binigyan niya ako ng karamdamangwalang kagalingan.’7Walang taong katulad ni Jobna uhaw sa pangungutya.8Ang gusto niyang makasamaay masasama at makasalanang tao,9dahil sinabi niya,‘Walang pakinabang ang taokung magsisikap siyangbigyan kasiyahan ang Diyos!’10“Kaya makinig kayo sa akin,kayong mga nagsasabingkayo ay nakakaunawa.Ang Diyos na Makapangyarihanay hindi gumagawa ng masama.11Ginagantihan niya ang taoayon sa mga ginawa nito;pinakikitunguhan niya ang taoayon sa nararapat sa ugali nito.12Tunay ngang hindi gagawa ng masamaang Diyos na Makapangyarihan.Hindi niya maaaring baluktutinang hustisya.13May nagtalaga ba sa kanyaupang mamuno sa lupa?May nagbilin ba sa kanyaupang mamahala sa buong sanlibutan?14Kung loloobin ng Diyosna kunin ang buhayna ibinigay niya sa tao,15lahat ng taoʼy mamamatayat babalik sa lupa.16“Job, kung ikaʼy may pang-unawa,pakinggan mo ang sasabihin ko:17Maaari ba namang mamuno ang Diyoskung ayaw niya ng katarungan?Hahatulan mo ba ang matuwidat makapangyarihan?18Hindi baʼt siya ang sumasawaysa mga hari at pinunong masamaat walang kuwenta?19Wala siyang itinatangi sa mga pinunoat wala rin siyang pinapanigan,mayaman man o mahirap,dahil silang lahat ay pare-pareho niyang nilikha.20Kahit ang taong makapangyarihanay biglang mamamatay sa gabinang hindi ginagalaw ng tao.21“Binabantayan ng Diyosang lahat ng ginagawa ng tao.22Walang madilim na lugarna maaaring pagtaguan ng masama.23Hindi na kailangangtawagin pa ng Diyos ang taoupang humarap sa kanyaupang tanungin at hatulan.24Hindi na niya kailangangimbestigahan pa ang taong namumunoupang alisin ito sa katungkulanat palitan ng iba.25Sapagkat alam niyaang kanilang ginagawa,inaalis niya sila sa kapangyarihanat nililipol kahit gabi.26Hayagan niya silang pinaparusahandahil sa kanilang kasamaan.27Ginawa niya itodahil tumigil sila ng pagsunod sa kanya,at binalewala ang kanyang pamamaraan.28Inaapi nila ang mga dukha,at narinig ng Diyosang paghingi ng mga ito ng tulong.29Ngunit kahit na tumahimikang Diyos at magtago,walang sinuman ang makapagsasabingmali siya.Ang totoo, binabantayan ng Diyosang tao at mga bansa,30upang patigilin ang pamumunong mga hindi makadiyos,para hindi nila mabitag mga tao.31“Sakaling may magsabi sa Diyos,‘Napagdusahan ko na ang aking kaparusahan;hindi na ako muling gagawa ng kasalanan,’32o, ‘Sabihin nʼyo sa akinang kasalanan ko;kung nagkasala ako,hindi ko na ito muling gagawin.’33Papaano sasagutin ng Diyosang kahilingan mo kung hindi ka magsisisi?Ikaw ang magpapasya nitoat hindi ako.Kaya sabihin mo sa akinkung ano ang pasya mo.34“Ang mga taong marurunongat may pang-unawa,na nakikinig sa akin,35ay makapagsasabing ang mga sinasabi mo Jobay kamangmangan at walang kabuluhan.36Dapat ka ngang lubusang subukin, Job,dahil nagsasalita kang tuladng isang masamang tao.37Dinadagdagan mo pa ang kasalanan modahil sa paghihimagsik mo sa Diyos.Minamasama moʼt kinukutyaang Diyos sa harap namin.”
Biblica, Inc.