Job33

1“Ngayon, Job, pakinggan mong mabutiang sasabihin ko sa iyo.2Handang-handa na akong magsalita,at ang mga sasabihin koʼynasa dulo na ng aking dila.3Ang sasabihin koʼymula sa tapat kong pusoat tuwiran kong sasabihinang aking nalalaman.4Ang espiritu ng Diyos na Makapangyarihanang gumawa sa akin at nagbigay buhay.5Sagutin mo ako,kung kaya mo.Ihanda mo ang iyong katuwiranat harapin ako.6Pareho lang tayo sa harapan ng Diyos.Tulad mo rin akong nagmula sa lupa.7Kaya huwag kang matakot sa akinat huwag mong isipin na aapihin kita.
8“Ito ang mga narinigkong sinabi mo:9‘Wala akong kasalanan.Malinis ako at walang ginawang masama.10Ngunit naghahanap ang Diyos ng dahilanupang akoʼy pahirapan.Itinuturing niyaakong kaaway.11Kinadenahan niyaang aking mga paaat binabantayan ang lahat ng aking kilos.’
12“Ngunit Job, mali kasa mga sinabi mo.Hindi baʼt ang Diyosay higit kaysa sa tao?13Bakit mo siya pinararatanganna hindi niya sinasagotang daing ng tao?14Ang totoo, palaging  nagsasalita ang Diyos,kaya lang hindi nakikinig ang mga tao.15Sa panaginip o sa pangitain,habang ang mga taoʼy natutulognang mahimbing,habang silaʼy nagpapahingasa kanilang mga higaan,16bumubulong siya sa kanilang mga taingaupang magbigay ng babala,at ito ang nakapagpatakot sa kanila.17Ginagawa niya ito upang pigilan ang mga taosa paggawa ng kasalanan at pagmamataas,18at upang mailigtas sila sa libinganat hindi mamatay sa talim ng tabak.
19“Kung minsan naman,itinutuwid ng Diyos ang taosa pamamagitan ng sakittulad ng walang tigil na pananakit ng buto,20kaya nandidiri siya sa pagkain,at kahit ang pinakamasasarap na handaay kinasusuklaman niya.21Kaya pumapayat siya,at nagiging butoʼt balat na lamang.22Malapit na siyang mamatayat mapunta sa lugar ng mga patay.23Ngunit kung may anghel sa tabi niya,isang tagapamagitan, isa sa isang liboupang sabihin sa taokung paano maging matuwid,24kahahabagan siya ng Diyos. At sasabihin niya‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan.Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’25Muli siyang magiging malusog.Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan.26At kapag nanalangin siya sa Diyos,sasagutin siya ng Diyosat masayang tatanggapin,ibabalik ng Diyosang matuwid niyang pamumuhay.27Pagkatapos, sasabihin niya sa mga tao,‘Nagkasala ako at gumawa ng hindi tama,ngunit hindi ko natanggapang parusang nararapat sa akin.28Iniligtas niya ako sa kamatayanat patuloy akong nabubuhay.’
29“Oo, ginagawa ng Diyos ang mga bagay na itonang paulit-ulit para sa tao.30Inililigtas niya ang tao sa kamatayanupang mabuhay ito.
31“Job, pakinggan mo akong mabuti.Tumahimik kaʼt hayaan akong magsalita.32Kung may gusto kang sabihin,sabihin mo, sapagkat nais kong malamankung wala ka talagang kasalanan.33Ngunit kung wala ka namang sasabihin,tumahimik ka na langat makinig sa aking karunungan.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3