Job30

1“Ngunit ngayon, kinukutya na akong mga mas bata sa akin,na ang mga ama ay hindi mapagkakatiwalaan.Mas mapagkakatiwalaan pa ngaang mga aso kong tagapagbantayng aking kawankaysa sa kanila.2Ano baʼng makukuha kosa mga taong ito na mahihinaat talagang wala nang lakas?3Nangangayayat sila dahil sa labisna kahirapan at gutom.Nginangatngat nila maging ang tuyong lupa,sa kadiliman tigang na ilang.4Pinipitas nila ang mga halaman sa latian,at kinakain ang ugatng mga tambo.5Tinataboy sila palayosa kanilang mga kababayanat sinisigawan na parang mga magnanakaw.6Tumitira sila sa mga lambak,sa malalaking bitak ng batoat mga lungga sa lupa.7Para silang mga hayopna umaalulong sa kagubatanat nagsisiksikan sa ilalimng maliliit na punongkahoy.8Wala silang halaga, walang nakakakilalaat pinalayas pa sa kanilang lupain.
9“At ngayon, paawit pa kung akoʼy kutyainng kanilang mga anakat naging katatawanan pa ako sa kanila.10Namumuhi sila at umiiwas sa akin.Hindi sila nangingimingduraan ako sa mukha.11Ngayong pinanghina akoat pinahirapan ng Diyos,ginawa nila ang gusto nilang gawin sa akin.12Nilusob ako ng masasamang itoat nilagyan ng bitag ang aking dadaanan.Talagang pinagsisikapan nilaakong ipahamak.13Sinisira nila ang dadaanan koupang ipahamak ako.At nagtatagumpay silakahit walang tumutulong sa kanila.14Sinasalakay nila akona parang mga sundalong dumadaansa malalaking butas ng gibang pader.15Takot na takot ako,at biglang nawala ang karangalan kona parang hinipan ng malakas na hangin,at ang kasaganaan koʼy naglahonggaya ng ulap.
16“At ngayon ay parang mamamatay na ako;walang tigil ang aking paghihirap.17Sa gabi ay kumikirot ang mga buto koat hindi nawawala ang sakit nito.18Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Diyos,sinunggaban niya ako, hinawakan sa kuwelyo,19at inihagis sa putik.Naging parang alikabokat abo na lang ako.
20“O Diyos, humingi ako ng tulong sa inyongunit hindi kayo sumagot.Tumayo pa ako sa harapan nʼyongunit tiningnan nʼyo lang ako.21Naging malupit kayo sa akin.Pinahirapan nʼyo akosa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.22Parang ipinatangay nʼyo ako sa hanginat ipinasalanta sa bagyo.23Alam kong dadalhin nʼyo akosa lugar ng mga patay,ang lugar na itinakdapara sa lahat ng nilalang.
24“Tiyak na wala akong sinaktangtaong naghihirapat humihingi ng tulong dahil sa kahirapan.25Iniyakan ko pa ngaang mga taong nahihirapan,at ang mga dukha.26Ngunit nang ako namanang umasang gawan ng mabuti,masama ang ginawa sa akin.Umasa ako ng liwanagngunit dilim ang dumating sa akin.27Walang tigil na nasasaktanang aking damdamin.Araw-araw paghihirapang dumarating sa akin.28Umitim ang balat kohindi dahil sa init ng arawkundi sa aking karamdaman.Tumayo ako sa harap ng kapulunganat humingi ng tulong.29Ang boses koʼy parang alulongng asong-gubat o huni ng kuwago.30Umitim ang balat koʼt natutuklap,at inaapoy ako ng lagnat.31Kaya naging malungkot ang tugtuginng aking alpa at plauta.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3