Job31

1“Ipinangako ko sa aking sarilina hinding-hindi ako titinginnang may pagnanasa sa isang dalaga.2Sapagkat anong igaganting Diyos na Makapangyarihan na nasa langitsa mga ginagawa ng tao?3Hindi baʼt kapahamakan at kasawianpara sa mga gumagawa ng kasamaan?4Alam ng Diyos ang lahat ng aking ginagawa.
5“Kung nagsinungaling man ako at nandaya,6hahayaan kong hatulan ako ng Diyos,dahil siya ang nakakaalamna wala akong kasalanan.7Kung hindi ako sumunod sa tamang daan,o kung sinunod ko ang nais ng aking mata,at dinungisan ko ang aking sarili,8masira nawa ang aking mga pananimo di kayaʼy pakinabangan ng iba.
9“Kung naakit ako ng ibang babaeo napaibig sa asawa ng aking kapwa,10kunin nawa at sipinganng ibang lalaki ang asawa ko.11Sapagkat ang pangangalunyaay kasalanang nakakahiya,at dapat na parusahan ang taongganyan ang ginagawa.12Iyan ay parang mapamuksang apoyna uubos sa lahat ng aking kabuhayan.
13“Kung hindi ko pinahalagahanang karapatan ng aking alipinnang dumaing sila sa akin,14anong gagawin kokung hatulan ako ng Diyos?Ano ang aking isasagot kung tanungin niya ako?15Hindi baʼt ang Diyos na lumikha sa akinang siya ring Diyos na lumikhasa aking mga alipin?
16“Pinagkaitan ko ba ng tulong ang mga mahihirapo hinayaan kong mawalan ng pag-asaang mga biyuda? 17Ipinagtago ko ba ng pagkainang aking sariliat hindi nagbigay sa mga ulila?18Ngunit mula pa noong kabataan ko,tumutulong na ako sa mga ulila,at sa buong buhay kohindi ko pinabayaan ang mga biyuda.19Kapag nakakita ako ng taongnahihirapan sa lamigdahil kapos siya sa damit,20binibigyan ko siya ng damit pangginawna yari sa balahibo ng aking mga tupa.At buong puso siyang nagpapasalamat sa akin.21Kung pinagbuhatan ko ng kamayang mga ulila,dahil alam kong malakas ako sa hukuman,22maputol sana ang mga braso ko.23Hindi ko magagawa ang mga bagay na iyandahil natatakot ako sa parusaat kapangyarihan ng Diyos.
24“Hindi ako nagtiwala sa aking kayamanan o nag-isip man na magbibigay ito sa akin ng katiyakan.25Hindi ko ipinagyabang ang kayamanan koat lahat ng aking ari-arian.26Hindi ako sumamba sa araw na nagbibigay ng liwanag o sa buwan na kumikinang.27Ang puso koʼy hindi nahikayatna sumamba sa mga ito.28Kung nagkasala ako sa paggawa ng mga ito,dapat akong parusahandahil nagtaksil ako sa Diyos na nasa langit.
29“Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakanng aking kaawayo ang pagsapit sa kanila ng kahirapan.30Hindi ako nagkasalasa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila.31Alam ng aking mga kasambahayna pinapakain ko ang lahatkahit na ang mga dayuhan.32Hindi ko pinabayaang matulogkahit saan ang mga dayuhan,dahil palaging bukas ang pintuanng aking tahananpara sa kanila.33Hindi ko itinatago ang aking kasalanankatulad ng ginagawa ng ibang tao.34Hindi ako tumahimik o nagtagodahil takot ako sa anumang sasabihin ng mga tao.
35“Kung mayroon lang sanangmakikinig ng panig ko,nakahanda akong lumagdaupang patunayan na wala akong kasalanan.Kung may reklamo ang Makapangyarihanlaban sa akin,ipapakiusap ko sa kanyangsabihin niya ito sa akino kayaʼy isulat na lang.36At ikakabit ko ito sa aking balikato sa ulo ko na parang korona.37Iuulat ko sa kanyaang bawat hakbang ko.Haharap ako sa kanyakatulad ng isang pinuno.
38“Kung inaabuso ko ang aking lupain,o kinamkam ko ito sa iba, 39o kung pinasama ko ang loobng mga manggagawa sa aking lupaindahil kinuha ko ang kanilang aninang walang bayad,40tumubo nawa sa lupain koang mga matitinik na halamanat mga damo sa halip na trigo at sebada.”Dito natapos ang mga sinabi ni Job.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3