Job29

Inalala ni Job ang mga Pagpapala Niya

1Nagpatuloy sa pagsasalita si Job,2“Kung maibabalik ko lang sanaang mga nagdaang arawnoong kinakalinga pa ako ng Diyos,3noong tinatanglawan pa niyaang aking daanhabang lumalakad ako sa kadiliman.4Noong akoʼy nasa mabuti pang kalagayan,ang Diyos ay matalik kong kaibigan,at pinagpapala niya ang aking sambahayan.5Pinapatnubayan pa ako noonng Makapangyarihan,at magkakasama pa kami ng aking mga anak.6Ang mga baka ko nooʼynagbibigay sa akin ng maraming gatasat mula sa mga tanim kong oliboay umaani ako ng napakaraming langis.
7“Kapag pumupunta ako sa pintuang-bayanat sumasama sa mga pinuno ng lungsodsa tuwing may pagpupulong sila,8tumatabi ang mga kabataang lalakikapag akoʼy nakita nila,at ang matatandaʼy tumitindig.9Ang mga pinunoʼy hindi nakaimikat tinakpan nila ang kanilang mga bibig.10Ang mga boses ng maharlikaay natatahimikat parang ang kanilang mga dilaay sa ngala-ngala nadidikit.11Pinupuri ako ng mga taong nanonoodo nakikinig sa aking pagsasalita.12Sapagkat tinutulungan koang mga dukhang humihingi ng tulongat mga ulilang walang malapitan.13Dahil silaʼy aking tinulungan,ako ay binasbasan ng mga nawawalan ng pag-asa,at ang puso ng mga biyudaay umawit sa kagalakan.14Palagi kong ginagawa ang tama at matuwid;upang itong damit at turban na aking isinusuot.15Naging parang mata akosa taong bulag at paa sa pilay.16Naging parang ama ako sa mga dukha,at kahit ang mga dayuhanay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin.17Winasak ko ang kapangyarihanng masasamang taoat iniligtas ko ang mga biktima nila.
18“Ang akala koʼy hahaba pa ang buhay ko,at mamamatay na kasama ang aking sambahayan.19Sapagkat ang katulad koʼyisang punongkahoy na ang ugatay umaabot sa tubig,at magdamag na nahahamuganang aking mga sanga.20Ang dangal koʼy hindi mawawala.Ang lakas koʼy hindi nababawasan. 
21“Kapag nagpapayo ako,tumatahimik ang mga taoat nakikinig nang mabuti.22Pagkatapos kong magsalita,hindi na sila kumikibodahil nasisiyahan na silasa mga sinabi ko.23Pinanabikan nila ang mga sasabihin kotulad ng pananabik nilasa pagdating ng ulan.Gusto talaga nila akong mapakinggan.24Halos hindi sila makapaniwalakapag ngumiti ako,dahil ang masayang mukha koʼynagpapalakas sa kanila.25Tulad ng isang pinuno,tinuturuan ko silakung ano ang dapat gawin.Pinamumunuan ko silatulad ng haring namumunosa kanyang mga kawal.At inaaliw ko silakapag silaʼy nalulungkot.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3